skip to main | skip to sidebar

Plurk

Plurk.com

Archivo del blog

  • ► 2012 (3)
    • ► October (1)
      • ► Oct 28 (1)
    • ► February (1)
      • ► Feb 01 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 01 (1)
  • ► 2011 (1)
    • ► November (1)
      • ► Nov 26 (1)
  • ► 2010 (9)
    • ► March (6)
      • ► Mar 31 (1)
      • ► Mar 29 (1)
      • ► Mar 24 (1)
      • ► Mar 23 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (1)
    • ► February (2)
      • ► Feb 19 (1)
      • ► Feb 10 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 09 (1)
  • ▼ 2009 (31)
    • ► October (2)
      • ► Oct 08 (1)
      • ► Oct 07 (1)
    • ► August (1)
      • ► Aug 10 (1)
    • ► July (2)
      • ► Jul 01 (2)
    • ► June (2)
      • ► Jun 08 (1)
      • ► Jun 02 (1)
    • ▼ May (7)
      • ▼ May 28 (1)
        • Tita Peachy
      • ► May 21 (2)
        • Mga Pangalan Na Di Na Dapat Naimbento Pa
        • Dulo ng Walang Hanggan
      • ► May 18 (1)
        • Kahit Bata Alam
      • ► May 17 (1)
        • Akin Na Ketchup Ko
      • ► May 14 (1)
        • Pabitin
      • ► May 08 (1)
        • Wag mo akong takasan
    • ► April (9)
      • ► Apr 27 (2)
      • ► Apr 20 (1)
      • ► Apr 17 (2)
      • ► Apr 15 (1)
      • ► Apr 12 (1)
      • ► Apr 06 (1)
      • ► Apr 02 (1)
    • ► March (8)
      • ► Mar 30 (1)
      • ► Mar 29 (2)
      • ► Mar 26 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (2)
      • ► Mar 19 (1)

Labels

  • dinner talk (4)
  • hanger (1)
  • kahihiyan (1)
  • kinamumuhian (6)
  • labada (1)
  • mama (1)
  • March Break (1)
  • papa (1)
  • payong kaibigan (1)
  • random (1)
  • unang lagay (1)
  • walang tawiran nakamamatay (1)

Subscribe To

Posts
    Atom
Posts
All Comments
    Atom
All Comments

Followers

Powered By Blogger

beautiful young woman mounted on a gnu

magandang dalaga na nakasakay sa gnu

Thursday, May 28, 2009

Tita Peachy

Ugh. Tumatanda na talaga ako dahil Tita Peachy na ang tawag sa akin ng mga kaibigan ni Dodong/mga bata na inaalagaan ko. Nagmamano pa sila sa tuwing makikita ako. Napapansin ko na nagaalinlangan sila na tawagin akong "ate" noon. Parang nahihirapan sila na bigkasin ang salitang iyon dahil nagdadalawang-isip sila kung "ate" ba ang dapat. Iyon kasi ang turo sa kanila ng mga magulang nila. Ngunit, para sa kanila, ako ay tita nila at hindi ate. Ano ba ang pinagkaiba ng dalawa?

Ito lang ang masasabi ko:
Ikinararangal ko na tawagin nila akong tita dahil hindi lang ako isang ate  na kaibigan nila. Datapwat, ako ay isang responsableng binibini na palaging maasahan kapag sila ay nangangailangan. At matanda na talaga ako.
Posted by boogiepeachy at 7:34 PM 2 comments

Thursday, May 21, 2009

Mga Pangalan Na Di Na Dapat Naimbento Pa

Ang tao ay likas na maparaan upang mapagaan ang mga gawain. Naimbento ang "txt" upang mapadali at mapaikli ang pagsusulat. Pero ang di ko matanggap ay ang pagpapaikli ng pangalan ng mga magpartner. Napansin ko na nagsimula ito kina Angelina Jolie at Brad Pitt at tinawag sila ng mga fans na Bradgelina. Tapos may maraming sumunod. Merong Cookuleta para sa mga David Cook at David Archuleta fans. Syempre hindi magpapahuli ang mga Pinoy. Meron din silang Dongyan para sa tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ano ba ang nangyayare sa mundo ngayon? Bakit ang tamad nila isulat ang buong pangalan? Pwede bang tigilan na natin ito?

P.S. Nakakatawa ang Cookuleta lol
Posted by boogiepeachy at 10:58 AM 3 comments
Labels: kinamumuhian

Dulo ng Walang Hanggan

Bawat minuto ay mahalaga. Ngunit, nakakabuwisit talaga kapag nasasayang ang oras sa paghahanap ng bagay na hindi napapansing nasa harapan mo na. Isa sa angkop na halimbawa para dito ay ang paghahanap ng dulo ng tape (duct tape, scotch tape, electrical tape, at kung anu pang madihit na bagay na nakarolyo) lalo na pag ito ay transparent at wala sa dispenser. Nakakagigil talaga dahil alam mong may dulo ito pero hindi mo makita. Hindi mo din to maramdaman. Paikot-ikot ka at kinakapa ang bawat bahagi ng bilog na bagay na iyon upang mahanap ang magaspang na parte dahil iyon ang palatandaan ng dulo ng tape.

Aral:
Ang dispenser ay isang puhunan. Magagamit mo ng wasto ang oras dahil hindi na ito masasayang pa sa paghahanap ng dulo ng tape.
Posted by boogiepeachy at 10:20 AM 0 comments
Labels: kinamumuhian

Monday, May 18, 2009

Kahit Bata Alam

Tuwing hapunan, madalas naming pagusapan ang iba't-ibang balita sa Pilipinas. Minsan ako ang nagsisimula ng usapan dahil ako ang mas madalas na nakikipagbalita mula sa mga kaibigan ko sa Pinas. Sa gabing ito, si Marian Rivera ang nakahain sa lamesa. Kinuwento ko sa kanita ang scandal ni Marian Rivera nang mag-perform sya sa SOP hanggang sa umabot ang usapan sa ganito:

Mama:uuy.. sikat na si Marian Rivera sa Pilipinas
Stacy:Oo nga. Pang primetime na sya.
Dodong:Diba pang hapon sya?
Stacy:May show na sya sa gabi.
Mama:Sya na ang reyna ng primetime
Peachy:Partner nga nya si Dingdong Dantes eh.
Dodong:Sorry, pero wala talaga sa itsura nya ang pang primetime. Mukha pa din syang artista ng mga pang hapon na shows.
Lahat:tawa
Dodong:Sino ba mga fans nya?

Asus! Kahit bata may say Marian Rivera.

Posted by boogiepeachy at 6:18 PM 2 comments
Labels: dinner talk

Sunday, May 17, 2009

Akin Na Ketchup Ko

Uy friend, 

Naguwi sina mama at papa ng 3 double cheeseburger at 3 large fries galing mcdonalds. Akalain mo! Pati ketchup tatlo din! Recession na talaga dahil ketchup tinitipid na ng mcdonalds. Dati naman ang dami nilang nilalagay sa bag. Pero ngayon nagtatnong na sila kung gusto ba ng customer ng ketchup.

Haay naku.. kung sino man ang salarin ng nagaganap na recession sa ating mundo, eto ang mensahe ko sayo:
AKIN NA KETCHUP KO!!


Umuunawa,
Peachy Rose
Posted by boogiepeachy at 10:37 PM 1 comments

Thursday, May 14, 2009

Pabitin

Ito ang natutunan ko ngayong hapon:
Ang buhay ay parang pabitin. Ang mga premyo ang mga opurtunidad na dumadating sa buhay. Nasusukat sa haba ng kamay, sa taas ng talon, at galing sa pakikipagsiksikan ang husay sa pagkamit ng iyong pangarap.
  1. Mahabang kamay. Ito ang mga kapalaran na biyaya sa atin ng Panginoon mula ng tayo ay pinanganak. Tulad ng pagkakaroon ng mga magulang na kaya kang pagaralin sa isang magandang paaralan; isang pagkakataon upang makamit ang kaunlaran sa buhay. Kaya dapat magaral ng mabuti dahil hindi lahat ng tao nakakapag aral.
  2. Taas ng talon. Ito ang pagnanais na makamit ang hangarin. Ang uhaw na makuha ang minimithi. Kailangan hindi mawala sa pokus at parating nangangati na marating ang pinapangarap.
  3. Galing sa pakikipagsiksikan. Ito ang pagiging madiskarte sa buhay. Mahusay sa paghahanap ng paraan upang ang gusto ay makamit. Kahit na ilegal ay papatulan basta lang hindi magpapahuli. Magaling sa pagpapalusot at pag-manipulate ng tao.
Ilan laman ito sa mga bagay na dapat taglay ng isang tao upang ang makuha ang nais na kaunlaran sa buhay.

Posted by boogiepeachy at 8:34 PM 1 comments

Friday, May 8, 2009

Wag mo akong takasan

Takas sa gawaing bahay:
Kapag may iuutos magulang, kakaripas sa takbo papuntang kwarto ang anak, bubuklatin ang mga aklat at ilalagay sa harapan. Iiwanan ng puwang ang pinto upang makasilip ang magulang at makasiguro na nag-aaral nga ito. Syempre, ito ang gusto nilang makita kaya hindi na nila aabalahin pang bigyan ng trabaho sa bahay ang anak. Education first nga sabi nila.

Pero iba ako. Pagaaral ang tinatakasan ko. Mas nanaisin ko pa ang mag kuskos ng bath tub para maalis ang dumi. Ano na ang magiging future ko nito?

Kaya kung makikita mo akong abala sa pag lilinis ng kusina, paglalaba, paglilinis ng mga kubeta, pagvaccum at pag luto ng brownies, meron akong essay na gagawin o test na pagaaralan. :P

Ikaw, ano tinatakasan mo?
Posted by boogiepeachy at 3:38 PM 3 comments
Newer Posts Older Posts Home
Subscribe to: Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod | Distributed by Deluxe Templates