Sa tingin mo, saan mas delikadong tumawid: sa Canada o sa Pilipinas? Noong papunta kami ng Walmart, may nakita kaming tatlong tao na tumatawid sa Mavis Rd. kahit hindi pa go ang stoplight. Mukhang ligtas naman ang tumawid dahil walang sasakyang dumadaan. Matagal lang kasi magpalit ang stoplight sa lugar na yun kaya karamihan ay tumatawid na bago pa magsabi ang stoplight na maari mo nang tawirin ang daan (at isa na ako doon).Nang makita iyon ni papa, pinaalalahanan nya kaming wag gayahin ang mga taong iyon. Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na araw-araw ako noong, nasa Pinas pa ako, nakikipag-patintero sa mga sasakyan sa Edsa.
Ayon sa walkinginfo.org, ang mga sumusunod ay ang batayan ng ligtas na pangtawiran:
- kakaunting daan
- may stop bar sa daan upang malaman ng mga motorista kung saan titigil at makapagbigay ng daan na tatawiran ng tao
- may maliit na isla sa gitna ng daan upang mahati ang tawiran sa dalawa
- sapat ang ilaw sa stoplight
Namumuti ang mata,
Peachy Rose
P.S. niliteral ko talaga ang pagtagalog dun sa sinabi ng walkinginfo.org lol
