SALAMAT SA EFFORT.. MAHAL KO KAYO *mwah*
Wednesday, July 1, 2009
Sweet Mom and Dad
Happy Canada Day! at dahil sa okasyon na ito may sari saring mga pangyayari ang nagaganap sa iba't ibang parte ng Canada. May picnics, parades, at concerts. Sa tapat ng city hall may maliit na concert na nagaganap at nagkataong andun sina mama at papa. Dahil nais nilang ipamahagi sa mga anak nila ang mga nangyari sa mini concert na iyon, nilabas nila ang kanilang telepono para i-record ang mga pangyayari: si papa ang nag record ng mga kanta habang si mama ang nag kumuha ng litrato (malabo kasi kapag video at malaki ang space na nakakain). Subalit, hindi naging kanais-nais ang resulta. Hindi makita ang mga artist dahil malayo ang shot. Ang voice recording naman ay hindi malinaw at hindi marinig ang singer. Kaya ang ginawa ni papa ay sinabayan nya ang kanta para mapatungan at magmukhang malinaw ang record nya. Nang makita at marinig ko ang mga ito, halakhak talaga ako ng todo!
Clogged Up
Magtitiwala ka ba sa mga free samples na iniiwan lang sa iyong mailbox? Nung isang araw, may nakasabit na plastic from Coke-cola na may lamang Coke Zero in can. Kahit free pa ang inumin, hindi pwede magkumpyansa na free din ang medical expenses or ang buhay mo kapag ininom mo iyon. Kaya kagabi, tinapon ko sa sink ang laman ng can habang naghuhugas. Ngunit may pangyayaring hindi kanais-nais para sa isang tagahugas. NAG CLOG ANG SINK! Ngayon ko lang ito naranasan sa tagal kong naghuhugas ng plato (2 years dish washer). Sinisisi namin sa pangyayaring ito ang misteryosong Coke Zero in can na nasa loob ng isa presentableng plastic bag ng coke. Buti na lang di namin ininom ito dahil baka ang laman namin ang bumara.
Subscribe to:
Comments (Atom)
