Ito ang halimbawa:
- Isang hapon, ang lahat ay nagrerelax. Si mama nakahiga, si papa nagbabasa, si dodong naglalaro, si stacy at ako ay nagko-kompyuter. Malapit na ang hapunan kaya kailangan na magluto. Handa na ang kanin pero wala pang ulam. Karaniwang nagluluto si mama o si papa (dahil hindi kami marunong magluto) maliban ngayon. Tinawag ako ni mama sa kusina at sinabihang ilabas ang baboy na naliligo sa patis at paminta na nasa ref. Matapos ko ilabas ang baboy sinundan nya agad ng isa pang utos: ilabas ko daw ang kawali. At sinundan pa nya ang mga order hanggang umabot sa ako at nagpiprito ng baboy (sana sinabi na lang nya na prituhin ko ang baboy at hindi nya inisa-isa ang gagawin). Lahat ng ito ay nangyayare habang nakaupo si mama sa sala at pinapanood akong paikot-ikot sa kusina. Paminsan-minsan tumatayo sya at tinitingnan kung tama ba ang ginagawa ko.
- Kanina, nang matapos na magluto ng hapunan si papa, tinawag nya ako. Karipas naman ako sa pagtakbo dahil akala ko kakain na. Pagdating ko sa kusina inabot nya sa akin ang isang pakete ng Knorr mushroom soup mix at inutusan na gawin iyon. Lumabas sya ng kusina, umupo sa dining table, binuksan ang laptop at tumitingin ng balita sa internet habang ako ay nagbabasa sa instruction kung paano iyon lutuin. Nang mapansin ni papa na paikot ikot ako ng kusina, binigyan nya ako ng directions kung ano ang gagawin. Hindi maganda ang resulta ng aking soup dahil namuo ang powder at matabang ang lasa. Haha.
