Ugh. Tumatanda na talaga ako dahil
Tita Peachy na ang tawag sa akin ng mga kaibigan ni Dodong/mga bata na inaalagaan ko. Nagmamano pa sila sa tuwing makikita ako. Napapansin ko na nagaalinlangan sila na tawagin akong "ate" noon. Parang nahihirapan sila na bigkasin ang salitang iyon dahil nagdadalawang-isip sila kung "ate" ba ang dapat. Iyon kasi ang turo sa kanila ng mga magulang nila. Ngunit, para sa kanila, ako ay
tita nila at hindi
ate. Ano ba ang pinagkaiba ng dalawa?
Ito lang ang masasabi ko:
Ikinararangal ko na tawagin nila akong tita dahil hindi lang ako isang ate na kaibigan nila. Datapwat, ako ay isang responsableng binibini na palaging maasahan kapag sila ay nangangailangan. At matanda na talaga ako.