Sa tingin mo, saan mas delikadong tumawid: sa Canada o sa Pilipinas? Noong papunta kami ng Walmart, may nakita kaming tatlong tao na tumatawid sa Mavis Rd. kahit hindi pa go ang stoplight. Mukhang ligtas naman ang tumawid dahil walang sasakyang dumadaan. Matagal lang kasi magpalit ang stoplight sa lugar na yun kaya karamihan ay tumatawid na bago pa magsabi ang stoplight na maari mo nang tawirin ang daan (at isa na ako doon).Nang makita iyon ni papa, pinaalalahanan nya kaming wag gayahin ang mga taong iyon. Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na araw-araw ako noong, nasa Pinas pa ako, nakikipag-patintero sa mga sasakyan sa Edsa.
Ayon sa walkinginfo.org, ang mga sumusunod ay ang batayan ng ligtas na pangtawiran:
- kakaunting daan
- may stop bar sa daan upang malaman ng mga motorista kung saan titigil at makapagbigay ng daan na tatawiran ng tao
- may maliit na isla sa gitna ng daan upang mahati ang tawiran sa dalawa
- sapat ang ilaw sa stoplight
Namumuti ang mata,
Peachy Rose
P.S. niliteral ko talaga ang pagtagalog dun sa sinabi ng walkinginfo.org lol

3 comments:
tuwing nagbabasa ako ng tagalog inde o mapigilang mag nosebleed
salamat
mag englis ka paminsanminsan para pede mong ma monetize ang blag mo through google adsense
bow!
ahaha..hanep dto sa pinas kahit may no jaywalking tatawid parin ako! hahaha.... kaya nung 1 tym nahuli me..astig... pde nman tumakbo eh, tapos pasok ka sa mall, d na cila hahabol sa yo! weeeeeeeeeeeee
hahah.. i think.. mas ligtas dito sa canada tumawid.. dito ko lang na experience na tumawid sa pedestrian wlang tingin2x if may sasakyan ba or wala ksi hihinto talaga sila pag may tatawid sa pedestrian.. hndi gaya sa pinas kahit nasa pedestrian kana.. papagalitan ka pa ng driver!... hehehe
Post a Comment