Ngayong patapos na ang buwan ng Marso, nais kong ibahagi sa iyo ang mga pangyayaring kapansin-pansing paulit-ulit.
- Hello Sugat! Noong mga unang linggo ng buwan ng Marso, halos araw-araw na lang ako nasusugatan sa dila, tuhod, at paa. Karaniwan ay sa kanang kamay mula sa pagbubukas ng mga karton. Ngunit hindi galing sa gunting o cutter na ginamit pang bukas ng karton ang hiwa. Nanggaling ito mismo sa matatalas na gilid ng karton.
- Friday I'm In Love. Parang nananadya ang mp3 ko pag gising ko sa umaga dahil Friday I'm In Love ng The Cure ang parating pambungad na awitin sa akin.
- Matamis-diabetes. Paborito kong inumin ang french vanilla. Araw-araw akong bumibili nito sa campus namin at may kasama pang cookies o muffin. Pag dating ng bahay, ang ice cream naman sa freezer ang tinitira ko. Pero pansamantala ko munang tinigil ang hilig ko dahil sobra na.
- Sunog. Ilang beses ko nang nasunog ang niluto ko dahil nakakalimutan kong patayin ang stove. Minsan nawawala na ang pinapakuluan kong tubig. Buti napapansin ko agad bago maabo ang bahay namin.
- Wala sa sarili? Tulad ng iba, hinahanda ko pag gabi ang byahe ko kinabukasan. Inaalam ko kung anong oras darating ang bus at anong oras ako dapat gumising. Ngunit sa hindi malamang dahilan maaaring maaga o huli ako ng isang oras sa mga una kong klase. Marahil namamali ako ng tingin sa oras. Minsan, sobra akong nagmamadali maghandang pumasok at tumatakbo papunta sa bus pero yun nakaalis na ang bus at isang oras pa akong maghihintay sa susunod. O kaya naman ay dadating ako sa klase na walang katao-tao dahil maaga ako ng dating.
Para sa buwan ng Abril:
- Ilalayo ko na ang sarili ko sa mga KARTON.
- Ipagpapatuloy ko ang pagiwas sa matatamis kahit na may tatlong tub ng sorbetes sa freezer ngayon.
- Kailangan kong magingat sa niluluto ko. Hanggat maaari hindi ako magluluto.
- Aayusin ko na buhay ko!!
- Wala na akong magagawa sa kantang yan.
Babaeng tulak ng bibig,
Peachy Rose

0 comments:
Post a Comment