Kapansin-pansin sa linggong ito na dinagsa ang aking unibersidad ng mga kabataan mula sa preschool at gradeschool. Makikita mo sila kahit saan ka pa lumingon. Kahit na sa loob ng klase. OO! Sila ay kasama mong nakaupo at nakikinig sa propesor na nagtuturo. Hindi ito dahil sila ay may field trip, sa halip sila ay may March Break.
Ang March Break ay isang linggong pahinga mula sa pagaaral. Maaaring mamasyal ang mga bata sa zoo o museum, o mamalagi sa bahay at maglaro ng Xbox, PS2 o 3, Wii, at kung anu ano pang pwedeng libangan. Ngunit, hindi maaring iwan magisa ang batang edad 11 pababa. Kaya dinadala ng mga estudyante sa unibersidad na may anak ang kanilang mga supling. Nais ko rin sanang isama ang aking kapatid na si Ramon Dominic a.k.a Dodong, subalit walang magandang iskedyul.
Masasabi kong parang araw-araw ay Family Day sa aming paaralan.
EKS-O-EKS-O,
Peachy Rose

0 comments:
Post a Comment