Ngayong April 27, 2009, una naming naranasan ang brownout sa Canada matapos ang 2 taon kaming nanirahan dito. Kakaandar ko pa lang ng kompyuter nang biglang namatay ang kuryente. Natakot ako bigla dahil akala ko may problema ang linya ng kuryente sa bahay namin.
Bumaba galing sa kwarto ang mga kapatid kong si Stacy at Ramon a.k.a Dodong para malaman kung bakit nawala ang kuryente. Syempre hindi namin naisip na brownout iyon dahil matagal di pa kami nakakaranas ng brownout dito. Para makumpirma ang nangyare, tinawagan namin ang mga kapit-bahay (oo ,gumagana pa ang telepono). Ngunit walang sumasagot sa aming tawag kaya lumabas ang dalawa upang malaman kung pati din ba sila nawalan ng kuryente. Sila din pala ay nawalan. Kumpirmado may brownout kaya ito ang nangyari:
- Una kong ginawa ay naghanap ng kandila. Mga scented candles lang ang meron sa bahay kaya iyon ang sinindihan ko.
- Dahil wala sina mama at papa, tinawagan namin sila upang ipaalam na nag-brownout.
- Nagtipon kaming tatlo sa sala kung saan nakatirik ang mga kandila.
- Nakinig kami ng radyo habang naghihintay na dumating sina mama at papa at magbalik ang kuryente.
Ang bidyo sa baba ang maglalahad kung ano pa ang ibang kaganapan.
Nangangapa sa dilim,
Peachy Rose
P.S. Pasensya na kung kandila lang ang makikita mo sa bidyo T__T

1 comments:
Haha. ang kulit ng video! hahahaha
Post a Comment