Akala ko noon tomboy ako. Wala kasi akong hilig sa mga lalake at kung ikukumpara sa mga kaklase ko noong highschool at elementary, parang iba ako sa kanila. Hindi rin ako mahilig sa pink; wala akong pakialam kung anong itsura ko; at madalas akong makipagkumpitensya (ng sikreto) sa mga lalake kung sino makakabuhat ng mabigat, makakatakbo ng mabilis, o makatagal sa kahit anong gawain nang hindi napapagod. Siguro mga ilang taon ko na rin napagtanto na girly-girl pala talaga ako. Nahihilig ako sa pagaayos ng sarili. Mas gugustuhin ko pa ang magsuot ng dress kesa pantalon. Higit sa lahat, nagiging malandi ako pag nakakakita ako ng gwapo.
Siguro late bloomer lang ako -_-
Sunday, October 28, 2012
Wednesday, February 1, 2012
Tama nga sina mama at papa
Sa opinion ko lang naman to ah.
Tama nga sila na mas mabuti kung magkaboypren pag nakatapos na ng pagaaral at may trabaho na. Mas praktikal ang ganito kasi ang pagkakaroon ng boypren or gelpren habang nagaaral ay nakakaabala lang sa kasalukuyang sitwasyon. Paano ka magkakaroon ng oras sa espesyal na taong iyon kung may pagaaral kang gagawin mula lunes hanggang biyernes? Pag dating naman ng sabado at linggo, may pamilya at mga kaibigan at kung ano pang pinagkakaabalahan kang ginagawa tulad ng pagtugtog sa banda?
Sa ngayon kasi nasa ganitong sitwasyon ako. Si Tomas maraming pinagkakaabalahan at kaunti lang nabibigay nyang panahon sa akin.
Pero sa ganitong sitwasyon kelangan mong intindihin ang kalagayan ng iyong partner. Siguro kaya di ako satisfied sa ganito dahil hindi ako magaling sa pagunawa. Kung ikaw naman ay biniyayaan ng maraming pagunawa edi go lang at wala ka naman kelangang iproblema sa ganitong ayos.

Sunday, January 1, 2012
Stand Up Comedy Sa Simbahan
Ayaw ko talaa ang sermon ng pari na may maraming joke. Para sa akin nawawala ang solemnity ng mass. Kung konte okay lang pero kun madaming punchline parang nagmukhang comedy bar na ang simbahan. Pero yun ang hinahabol ng mga tao. Marami akong naririnig na opinyon ng mga tao na gusto nila ang sermon ng pari dahil sa buhay na buhay daw at nakakatawa.
Pero marahil isa na rin sa mensahe na gustong ibigay ng pari ay tawanan natin ang kung ano mang problema meron tayo. Kasi alam mo naman ang tao, pag may problema dun lang lumilingon sa Lord haha. Like meeee (´・_・`)

Subscribe to:
Comments (Atom)