Sa opinion ko lang naman to ah.
Tama nga sila na mas mabuti kung magkaboypren pag nakatapos na ng pagaaral at may trabaho na. Mas praktikal ang ganito kasi ang pagkakaroon ng boypren or gelpren habang nagaaral ay nakakaabala lang sa kasalukuyang sitwasyon. Paano ka magkakaroon ng oras sa espesyal na taong iyon kung may pagaaral kang gagawin mula lunes hanggang biyernes? Pag dating naman ng sabado at linggo, may pamilya at mga kaibigan at kung ano pang pinagkakaabalahan kang ginagawa tulad ng pagtugtog sa banda?
Sa ngayon kasi nasa ganitong sitwasyon ako. Si Tomas maraming pinagkakaabalahan at kaunti lang nabibigay nyang panahon sa akin.
Pero sa ganitong sitwasyon kelangan mong intindihin ang kalagayan ng iyong partner. Siguro kaya di ako satisfied sa ganito dahil hindi ako magaling sa pagunawa. Kung ikaw naman ay biniyayaan ng maraming pagunawa edi go lang at wala ka naman kelangang iproblema sa ganitong ayos.
Wednesday, February 1, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment