skip to main | skip to sidebar

Plurk

Plurk.com

Archivo del blog

  • ▼ 2012 (3)
    • ▼ October (1)
      • ▼ Oct 28 (1)
        • Babae po ako
    • ► February (1)
      • ► Feb 01 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 01 (1)
  • ► 2011 (1)
    • ► November (1)
      • ► Nov 26 (1)
  • ► 2010 (9)
    • ► March (6)
      • ► Mar 31 (1)
      • ► Mar 29 (1)
      • ► Mar 24 (1)
      • ► Mar 23 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (1)
    • ► February (2)
      • ► Feb 19 (1)
      • ► Feb 10 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 09 (1)
  • ► 2009 (31)
    • ► October (2)
      • ► Oct 08 (1)
      • ► Oct 07 (1)
    • ► August (1)
      • ► Aug 10 (1)
    • ► July (2)
      • ► Jul 01 (2)
    • ► June (2)
      • ► Jun 08 (1)
      • ► Jun 02 (1)
    • ► May (7)
      • ► May 28 (1)
      • ► May 21 (2)
      • ► May 18 (1)
      • ► May 17 (1)
      • ► May 14 (1)
      • ► May 08 (1)
    • ► April (9)
      • ► Apr 27 (2)
      • ► Apr 20 (1)
      • ► Apr 17 (2)
      • ► Apr 15 (1)
      • ► Apr 12 (1)
      • ► Apr 06 (1)
      • ► Apr 02 (1)
    • ► March (8)
      • ► Mar 30 (1)
      • ► Mar 29 (2)
      • ► Mar 26 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (2)
      • ► Mar 19 (1)

Labels

  • dinner talk (4)
  • hanger (1)
  • kahihiyan (1)
  • kinamumuhian (6)
  • labada (1)
  • mama (1)
  • March Break (1)
  • papa (1)
  • payong kaibigan (1)
  • random (1)
  • unang lagay (1)
  • walang tawiran nakamamatay (1)

Subscribe To

Posts
    Atom
Posts
All Comments
    Atom
All Comments

Followers

Powered By Blogger

beautiful young woman mounted on a gnu

magandang dalaga na nakasakay sa gnu

Sunday, October 28, 2012

Babae po ako

Akala ko noon tomboy ako. Wala kasi akong hilig sa mga lalake at kung ikukumpara sa mga kaklase ko noong highschool at elementary, parang iba ako sa kanila. Hindi rin ako mahilig sa pink; wala akong pakialam kung anong itsura ko; at madalas akong makipagkumpitensya (ng sikreto) sa mga lalake kung sino makakabuhat ng mabigat, makakatakbo ng mabilis, o makatagal sa kahit anong gawain nang hindi napapagod. Siguro mga ilang taon ko na rin napagtanto na girly-girl pala talaga ako. Nahihilig ako sa pagaayos ng sarili. Mas gugustuhin ko pa ang magsuot ng dress kesa pantalon. Higit sa lahat, nagiging malandi ako pag nakakakita ako ng gwapo.


Siguro late bloomer lang ako -_-
Posted by boogiepeachy at 7:55 AM 0 comments

Wednesday, February 1, 2012

Tama nga sina mama at papa

Sa opinion ko lang naman to ah.

Tama nga sila na mas mabuti kung magkaboypren pag nakatapos na ng pagaaral at may trabaho na. Mas praktikal ang ganito kasi ang pagkakaroon ng boypren or gelpren habang nagaaral ay nakakaabala lang sa kasalukuyang sitwasyon. Paano ka magkakaroon ng oras sa espesyal na taong iyon kung may pagaaral kang gagawin mula lunes hanggang biyernes? Pag dating naman ng sabado at linggo, may pamilya at mga kaibigan at kung ano pang pinagkakaabalahan kang ginagawa tulad ng pagtugtog sa banda?

Sa ngayon kasi nasa ganitong sitwasyon ako. Si Tomas maraming pinagkakaabalahan at kaunti lang nabibigay nyang panahon sa akin.

Pero sa ganitong sitwasyon kelangan mong intindihin ang kalagayan ng iyong partner. Siguro kaya di ako satisfied sa ganito dahil hindi ako magaling sa pagunawa. Kung ikaw naman ay biniyayaan ng maraming pagunawa edi go lang at wala ka naman kelangang iproblema sa ganitong ayos.
Posted by boogiepeachy at 1:32 PM 0 comments

Sunday, January 1, 2012

Stand Up Comedy Sa Simbahan

Ayaw ko talaa ang sermon ng pari na may maraming joke. Para sa akin nawawala ang solemnity ng mass. Kung konte okay lang pero kun madaming punchline parang nagmukhang comedy bar na ang simbahan. Pero yun ang hinahabol ng mga tao. Marami akong naririnig na opinyon ng mga tao na gusto nila ang sermon ng pari dahil sa buhay na buhay daw at nakakatawa.

Pero marahil isa na rin sa mensahe na gustong ibigay ng pari ay tawanan natin ang kung ano mang problema meron tayo. Kasi alam mo naman ang tao, pag may problema dun lang lumilingon sa Lord haha. Like meeee (´・_・`)
Posted by boogiepeachy at 8:31 PM 0 comments

Saturday, November 26, 2011

Isang taon din ang lumipas..

..nung huli akong nagpost dito sa aking blog dahil sa tinamad lang ako. Alam kong masama ang maging tamad pero ganun talaga. Minsan nagsasawa din ang tao sa mga bagay na madalas nilang ginagawa. Naisipan kong magpost ulit sapagkat may app akong nasiskubre para makapost ulit ako dito. Magiging madali na para sa akin ang magsulat kahit saan man ako.

Ano naman ang nangyare sa isang taon na ako ay nanahimik sa pagblog?

• Ako ay nagkaroon ng boypren. Oo! Ang pangalan nya ay Tomas. Kasama ko sya sa trabaho. Isa lang ang masasabi ko sa kanya: napakabait nyang tao! Napakaswerte ko na nakilala ko sya. Paano nagsimula ang aming pagiibigan? Well, well, well, sa susunod na lang siguro iyon.

• Lumipat kami ng bagong bahay at meron na akong sariling kwarto. Noong una natatakot ako dahil hindi ko nakasanayan ang matulog magisa. Pero nakayanan ko naman.

• Meron akong mga bagong kaibigan na nakilala ko din sa trabaho.

• Hayskul na ang bunso kong kapatid. Mas matangkad na sya sa akin at malalim na ang boses nya. Parang mama na sya maliban na lang sa itsura nya dahil napakapayat nya.

• Marunong na ako magdrive pero wala pa akong lisensya para makapagdrive ako na magisa. Siguro ito din dahilan kung bakit di ako pinapayagan na magdrive ako ng sasakyan ni papa para ipractice ko ang natutunan ko.

Ito lang naman ang ilan sa mga nangyare ng isang taon. Sana di ko na ulit makaligtaan ang blog na ito.
Posted by boogiepeachy at 3:35 PM 1 comments

Wednesday, March 31, 2010

Pikon na kung pikon!

Nakakainis talaga yung mga taong malisyoso. Yung binibigyan ng issue kapag lalabas ako kasama ang friends o pagpasok sa school at sinasabi nila na date ang pupuntahan ko. Pero ang mas nakakairita ay yung inaasar ka na boyfriend mo yung kasama mong lalake. At kahit na biro lang iyon, nakakairita pa din kasi:
  1. Kapag tinanggi mo ang mga panghuhusga nila, magmumukha ka namang nagsisinungaling hanggang sa nagmumkha ka nang nagdedeny at guilty.
  2. Nakakahiya naman dun sa kasama mo lalo na pag hindi pala ikaw ang type nya.
  3. Masakit marinig ang pagtanggi na may namamagitan sa inyo kahit ayaw mo sa kanya. Pride na din noh. Parang wala syang karapatan na i-reject ka nya.
  4. Masakit marinig ang pagtanggi nya lalo na pag gusto mo sya.
  5. Kapag sinabi mo na hindi mo boyfriend ang kasama mong lalake, baka naman isipin nya na ayaw mo sa kanya. Paano pag gusto ka pala nya at gusto mo din sya? Edi nagkalabuan na parang sa Pride and Prejudice ni  Jane Austen.
Diba? Diba?! *wink* Pikon na kung pikon pero alam ko sumasangayon ka din *muhaha*

P.S.
Hindi naman ako galit. Minumungkahi ko lang ang laman ng isip ko sa kasalukuyan.
P.S. P.S.
 Di na din ako mangaasar ng iba
Posted by boogiepeachy at 3:56 PM 0 comments
Labels: kinamumuhian

Monday, March 29, 2010

Boses babae talaga si Justin Beiber noh



Dodong:Te, ano yang pinapanood mo?
Me:Video ni ijustine na nanonood sya ng show ni Justin Beiber.

*kumakanta si Justin beiber ng Baby
Dodong:Is that her.. umm him pala?
Me:BWAHAHAHAAH!


Posted by boogiepeachy at 4:04 PM 0 comments

Wednesday, March 24, 2010

Malayo man parang malapit din (madramang title)

Katext ko ang aking kaibigan na si Wilhelmina na nasa Pilipinas. Tinutulungan nya ako sa aking suliranin tungkol sa ticket sa concert ni Lady Gaga. Naubusan na kasi ako at lubhang nabibigo ako sa nangyari. Nung nabigyan na nya ako ng solusyon, bigla kong naisip na kumuha ng bente pesos sa aking wallet, pumunta sa malapit na tindahan at bumili ng Piattos. Sa sandaling iyon, akala ko nasa Pinas ako at nakalimutan ko na nasa Canada ako. Marahil, ang mga text ni Willet ang nagpapalapit sa akin sa Pinas.

Buti na lang at nakakatext ko pa din si Willet kahit na napakalayo namin sa isa't isa.
Posted by boogiepeachy at 9:09 PM 0 comments
Older Posts
Subscribe to: Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod | Distributed by Deluxe Templates