atext ko ang aking kaibigan na si Wilhelmina na nasa Pilipinas. Tinutulungan nya ako sa aking suliranin tungkol sa ticket sa concert ni Lady Gaga. Naubusan na kasi ako at lubhang nabibigo ako sa nangyari. Nung nabigyan na nya ako ng solusyon, bigla kong naisip na kumuha ng bente pesos sa aking wallet, pumunta sa malapit na tindahan at bumili ng Piattos. Sa sandaling iyon, akala ko nasa Pinas ako at nakalimutan ko na nasa Canada ako. Marahil, ang mga text ni Willet ang nagpapalapit sa akin sa Pinas.Buti na lang at nakakatext ko pa din si Willet kahit na napakalayo namin sa isa't isa.

0 comments:
Post a Comment