abang naglalakad kami ng aking mahal na kaibigan na si Jen, pinaguusapan namin ang marijuan. Ayon sa kanya legal daw iyon dito sa Canada at may maraming sakahan at tindahan na nakakalat dito bilang pruweba. Nagbiro ako sa kanya na magiging pusher ako bukas na bukas din nang biglang may nagsabi ng "EXCUSE ME!" sa likod namin. Nung una hindi namin pinansin dahil marami kaming kasabay sa paglakad at marahil hindi kami ang tinutukoy nya. Pero malakas ang kabog ng aking dibdib. Iniisip ko tinatawag nya ang aming pansin dahil gusto nya kami bigyan ng babala sa pagiging pusher. Tuloy pa din sa pag "EXCUSE ME!" si manong sa likod ngunit hindi pa din namin sya pinansin. Sa pangatlong tawag nya, lumingon na kaming dalawa sabay abot nya ng orange na ipod at sinabing "You dropped this."Ako ay nagpapasalamat dahil akala ko nagkamali sya ng pagunawa sa aming usapan (at dahil binalik nya ang ipod ko).

0 comments:
Post a Comment