Gusto ko maging katulad nila mama at papa. Maraming tao ang nirerespeto sila kahit na sila ay ordinayong tao lang. Pinagtitiwalaan at pinakikinggan ang mga sinasabi nila. Parang pinanganak na silang tama lahat ng lumalabas sa bibig nila. Pero nalaman ko kanina lang na nagkakamali din pala sila.
Eto ang halimbawa:
Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap sa opisina na pinagtatrabahuan ni mama. Isang umaga habang hindi pa marami ang ginagawa sa trabaho, nagusap sina mama at ang kanyang kaopisina. Pinapakita ng ka-opisina ni mama ang mga litrato nya noong sya ay medyo bata-bata pa.
Mama: Wow! Ikaw to? ang ganda mo naman. Alam mo? Telegenic ka. (seryosong sinabi)
(katahimikan)
Ka-opisina: Oo. Photogenic talaga ako. (seryosong sumagot)
Mama: (kindat-kindat at napaisip na mali ang nasabi noong una) Oo. Photogenic ka din. Pwede ka na mag model.
Aral:
- Kapag magsasalita ka dapat mukhang palaging may alam.
- Kapag nagkamali.. magpalusot.
- Wag magpalinlang sa mga taong mukhang may maraming alam. Magaling lang talaga sila magpalusot.
Palaging naguunawa,
Peachy Rose
P.S. Talagang matatalinong tao ang mga magulang ko. High acheivers silang dalawa. Siguro naman naipasa nila sa akin ang mga katangian na yan?

0 comments:
Post a Comment