Kaninang umaga, dalawang beses kami hinatid ni papa sa simbahan dahil 6 kami (pang-anim ang bisita) at pang 5-seater lang ang sasakyan. Iminungkahi ni papa na sumakay ng bus ang kapatid kong si Stacy upang hindi na masayang ang oras sa pagbalik sa simbahan upang sunduin ang maiiwan.
Kapansin-pansin na nakasimangot ang mukha ni Stacy sa buong byahe papuntang simbahan. Kaya nakiusap si mama na ako ang mag bus sa halip na si Stacy. Ako naman ay agad-agad na sumang ayon at pabirong humingi ng pang-kape. Agad din naman akong tinanggihan ng aking ina.
Noong natapos ang misa, ipinaalam nila sa akin na sila ay dadaan muna sa pagupitan dahil magpapagupit ang bunso kong kapatid na si Dodong. Iminungkahi ko kay mama na nais ko ding sumama at magpagupit. Ito ang ikalawang beses na ako ay kanyang tinanggihan. Ngunit, upang hindi sumama ang aking loob, inabot nya sa akin ang kanyang pitaka at hinayaan nya akong kumuha ng kahit magkano para pang-kape.
Aral:
- Kapag ikaw ay tinanggihan ng magulang mo sa una mong hiniling, humiling ka ulit na mas malaki ang halaga sa na una.
- Kapag ikaw ay hihiling, dapat ikaw ay nasa kaawa-awang sitwasyon upang lumambot ang kanilang puso para ibigay sayo ang gusto mo.
- Kapag may gusto kang hingin, sa ama lumapit at wag sa ina.
Nagmamalasakit,
Peachy Rose

5 comments:
magaling magaling magaling
nice pecheee. dont worry susundin ko yang advice mo.. nyahahaha
Peachy, gusto ko ng coffee :D
Everything Ubec
hi ate peachy! rob to. =)
hahah, magandang lessons nga iyan, wag sana sakin gawin
Post a Comment