skip to main | skip to sidebar

Plurk

Plurk.com

Archivo del blog

  • ► 2012 (3)
    • ► October (1)
      • ► Oct 28 (1)
    • ► February (1)
      • ► Feb 01 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 01 (1)
  • ► 2011 (1)
    • ► November (1)
      • ► Nov 26 (1)
  • ► 2010 (9)
    • ► March (6)
      • ► Mar 31 (1)
      • ► Mar 29 (1)
      • ► Mar 24 (1)
      • ► Mar 23 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (1)
    • ► February (2)
      • ► Feb 19 (1)
      • ► Feb 10 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 09 (1)
  • ▼ 2009 (31)
    • ► October (2)
      • ► Oct 08 (1)
      • ► Oct 07 (1)
    • ► August (1)
      • ► Aug 10 (1)
    • ► July (2)
      • ► Jul 01 (2)
    • ► June (2)
      • ► Jun 08 (1)
      • ► Jun 02 (1)
    • ► May (7)
      • ► May 28 (1)
      • ► May 21 (2)
      • ► May 18 (1)
      • ► May 17 (1)
      • ► May 14 (1)
      • ► May 08 (1)
    • ▼ April (9)
      • ▼ Apr 27 (2)
        • Bawas Pogi Points
        • Brownout
      • ► Apr 20 (1)
        • "Grade 1 Ka Na"
      • ► Apr 17 (2)
        • Usapang Boobies
        • Para kay ano..
      • ► Apr 15 (1)
        • Kapag lalake ang nagmenstruate
      • ► Apr 12 (1)
        • Maligayang Pasko ng Pagkabuhay
      • ► Apr 06 (1)
        • Sobrang kahihiyan
      • ► Apr 02 (1)
        • Magbatak tayo ng buto
    • ► March (8)
      • ► Mar 30 (1)
      • ► Mar 29 (2)
      • ► Mar 26 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (2)
      • ► Mar 19 (1)

Labels

  • dinner talk (4)
  • hanger (1)
  • kahihiyan (1)
  • kinamumuhian (6)
  • labada (1)
  • mama (1)
  • March Break (1)
  • papa (1)
  • payong kaibigan (1)
  • random (1)
  • unang lagay (1)
  • walang tawiran nakamamatay (1)

Subscribe To

Posts
    Atom
Posts
All Comments
    Atom
All Comments

Followers

Powered By Blogger

beautiful young woman mounted on a gnu

magandang dalaga na nakasakay sa gnu

Monday, April 27, 2009

Bawas Pogi Points

Peace,

Parang summer na sa school kanina dahil madaming babae ang nakapalda o maikling porontong ang suot. Ang dami ring mga lalake na nakaporontong kanina at naglalaro ng frisbee o soccer sa may bermuda sa ilalim ng araw. Hindi ko inaasahan na magiging mainit ang panahon kanina. Nagmamadali kasi akong lumabas hindi maiwan ng bus kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng mas manipis na coat. Inisip ko na din na baka lumamig ang teperatura kaya ayos lang ang suot ko, subalit lalo pang uminit ang panahon. 

Aral:
Alamin palagi ang panahon at temperatura ng susunod na araw para makapagplano ng susuotin.

Naiinggit sa mga nakapangsummer na suot,
Peachy Rose
Posted by boogiepeachy at 9:39 PM 0 comments

Brownout

Peace,

Ngayong April 27, 2009, una naming naranasan ang brownout sa Canada matapos ang 2 taon kaming nanirahan dito. Kakaandar ko pa lang ng kompyuter nang biglang namatay ang kuryente. Natakot ako bigla dahil akala ko may problema ang linya ng kuryente sa bahay namin.

Bumaba galing sa kwarto ang mga kapatid kong si Stacy at Ramon a.k.a Dodong para malaman kung bakit nawala ang kuryente. Syempre hindi namin naisip na brownout iyon dahil matagal di pa kami nakakaranas ng brownout dito. Para makumpirma ang nangyare, tinawagan namin ang mga kapit-bahay (oo ,gumagana pa ang telepono). Ngunit walang sumasagot sa aming tawag kaya lumabas ang dalawa upang malaman kung pati din ba sila nawalan ng kuryente. Sila din pala ay nawalan. Kumpirmado may brownout kaya ito ang nangyari:
  • Una kong ginawa ay naghanap ng kandila. Mga scented candles lang ang meron sa bahay kaya iyon ang sinindihan ko. 
  • Dahil wala sina mama at papa, tinawagan namin sila upang ipaalam na nag-brownout.
  • Nagtipon kaming tatlo sa sala kung saan nakatirik ang mga kandila. 
  • Nakinig kami ng radyo habang naghihintay na dumating sina mama at papa at magbalik ang kuryente.
Ang bidyo sa baba ang maglalahad kung ano pa ang ibang kaganapan.

Nangangapa sa dilim,
Peachy Rose

P.S. Pasensya na kung kandila lang ang makikita mo sa bidyo T__T
Posted by boogiepeachy at 12:57 AM 1 comments

Monday, April 20, 2009

"Grade 1 Ka Na"

Paano mo malalaman kung nag mature ka na? Paano mo malalaman kung pwede ka na magasawa? Nalalaman mo lang ba ito ng kusa o may magsasabi sa iyo? Dati kasi tumawag sa telepono si mama galing sa kanyang trabaho para sabihin "You're adult na talaga anak." Sabi nya naging responsible na daw ako. Pero sa totoo lang natawa ako dahil yun ang dahilan ng pag tawag nya, hindi nya hinintay na makauwi sa bahay para sabihin iyon sa akin ng harapan. Sa kabilang banda na antig ang aking puso sa mga sinabi ng aking mahal na ina.

Kanina sa hapunan, may bagong minungkahi si mahal na ina. Ito ang nangyari:

Mama:Dong, sa susunod ikaw na ang maghugas ng plato. Gayahin mo si ate kasi ngayon sya na ang gumagawa ng gawaing bahay. Grade 1 na sya sa pagaasawa.
Dodong:(tuloy pa din sa pagkain at nagpapanggap na di nakikinig)
Mama:(lumingon kay Peachy para sa kanya iparating ang susunod na sasabihin) Pero sa susunod pagluluto naman ang pagaralan mo para pag dating namin ng bahay may pagkain na tapos kami na ang maghuhugas. Alam mo si *Bianca sya na ang nagluluto sa kanila. Sabi ng mama nya magana daw kumain si **Lara kapag si ate Bianca nya ang nagluto.
Peachy:(tuwang-tuwa dahil pwede na daw sya mag-asawa)
Mama:Kaya sa sunod mag luto ka na ate ha? Masarap ka pa naman magluto.
Peachy:Minsan nga lang ako magluto eh tapos fried rice lang. Binobola ako ni mama

Kelan naman kaya ako mag graduate nito?

*Bianca kapit bahay namin na 15 yrs old
**Lara kapatid ni Bianca
Posted by boogiepeachy at 9:02 PM 6 comments
Labels: dinner talk

Friday, April 17, 2009

Usapang Boobies

Ikaw na walang hinaharap,


Kahapon, noong palabas kami ni Jen sa mall, napagusapan namin ang boobies dahil nadaanan namin ang lingerie area kung saan makikita mo ang mga naglalakihang bra na nakadisplay. Ito ang nangyare:

Peachy:ang laki talaga ng bra nila dito sa Canada(sabay hawak sa pagkalaking pink na bra)
Jen:(ngumingisi) Ito mas malaki (sabay kawak sa lacey-yellow na bra na mas malaki pa sa nauna)
Peachy:(gulat na gulat) Whoa ang laki nga! Grabe wala naman magkakasya sa akin dito.
Jen:Isa lang ang solusyon dyan. Kumain ka ng fries. Proven na daw yun na lalaki yan pag kain ka ng fries.
Peachy:Ay wag na. Masaya na ako dito at baka di ko kaya paano yun dalhin.
Jen:Ano ibig mong sabihin?
Peachy:Hindi kasi lahat kayang dalhin ung biyayang meron sila.
Jen:Aaaah tulad ba nun? (sabay turo sa itim na babaeng dumaan na may full boobies).
Peachy:OO parang ganyan nga.
Jen:Bakit kaya ang lalaki ng boobs ng mga itim?
Peachy:Oo nga. Pati rin pwet meron sila.
Jen:Tingnan mo un oh .

(parehong tiningnan ang itim na babaeng dumaan)
Jen:Kahit bata e.

Aking palagay:
  • Hindi ko alam kung totoo nga talaga na nagpapalaki ng boobies ang fries. Pero maaari ding maipon doon ang taba mula sa fries.
  • Pag punta mo dito sa Canada siguraduhin mong nagbaon ka ng madaming bra dahil mahihirapan ka lang sa paghanap ng bra na kakasya para sayo. Manliliit ka din sa mga bra na makikita mong naka display sa mga botique dahil ang bawat saluhan ng suso ay pwede nang kainan ng isang pack ng Lucky Me! instant noodles sa sobrang laki nila.
  • Kapansin pansin talaga na malalaki ang hinaharap at pwet ng mga itim. Tapos karamihan sa mga Asian flat. *gulong sa kakatawa*


Makitid ang isip,
Peachy Rose


Posted by boogiepeachy at 10:40 PM 5 comments

Para kay ano..

Mahal kong kaklase na palaging
may opinion sa lahat ng bagay,

Bilib talaga ako sayo dahil may 'say' ka lagi sa klase natin. Ikaw at si blondie na siguro ang may maraming na ambag na opinyon sa iba't ibang paksa na pinagaaralan natin bawat linggo. Kung ibaghahambing kayong dalawa, mas gusto kong pakinggan ang mga sinasabi mo kasi mas idealistic ang sayo kumpara kay blondie. Ngunit mukhang marami ang may lihim na poot sa iyo, maliban na lang kay Mr. Gandang Gupit na laging nakatitig sa iyo at kung may pagkakataon ay tinatabihan ka sa klase. Marahil sa dami mong sinasabi na parang ikaw lang ang kausap ng TA (teacher assistant) na di na makapagsalita ang ibang estudyante.

Kanina, kapansin pansin na karamihan sa kaklase natin ayaw sumama sa grupo nyo noong group discussion dahil iniiwasan nilang masapawan mo sila. Buti na lang di kita ka grupo kaya nasabi ko ang mga nais kong sabihin sa grupo namin.

Wag kang magalala kung kinasusuklaman ka nila dahil hindi mo naman sila kilala at pagkatapos ng semestreng ito siguradong makakalimutan ka na nila (pati rin ako).


Babaeng balik-harap,
Peachy Rose

Posted by boogiepeachy at 5:52 PM 0 comments

Wednesday, April 15, 2009

Kapag lalake ang nagmenstruate

Utang na loob,

Dahil wala akong magawa kanina habang naghihintay sa SOSC class, inubos ko ang oras sa pagbabasa ng nakatakdang mga kabanata mula sa libro ni Juanne N. Clarke na Health, Illness, and Medicine in Canada. Binabasa ko noong mga oras na iyon ang kabanata tungkol sa mga pananaw ng komunidad at ng iba't ibang kultura sa illness. Ang pananaw din ng mga tao sa illness ay depende sa kasarian. Isa sa halimbawang binigay niya ay ang sitwasyon kapag lalake ang nagmenstruate. Ayon sa kanya:
  1. Magiging simbolo ng lakas at pagkalalake ang menstruation. Makikipag kompitensya ang mga lalake kung sino ang may mas malakas na flow, mas maraming araw, at mas matingkad na dugo.
  2. Maglalaan ang gobyerno ng pondo sa pagsusuri ng solusyon sa premenstrual syndrome (PMS) at cramps.
  3. Magkakaroon ng espesyalista para sa mestruation at sila ay susweldohan ng malaking halaga.
  4. Magiging libre ang sanitary napkins at tampons.
Ako ay lubhang nagulat sa mga maaring mangyare kapag lalake ang nagmenstruate. Kapansin-pansing kinikilingan ang kasarian ng mga lalake. Bakit kaya di nila gawin ito sa mga babae?


Babaeng di makabasag pinggan,
Peachy Rose

P.S. Literal na tinagalog ko talaga ang pagkakasulat sa libro teehee
Posted by boogiepeachy at 10:46 PM 1 comments

Sunday, April 12, 2009

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay

Oh macopa ng aking mga mata, 

Happy Easter sa iyo! Nag punta kanina ang pamilya namin sa bahay ng Rivera family para mag dinner kasama ang Guia at Dubria family (mga pinoy na kapit-bahay namin). Eto ang nangyari:
  1. Nakapagtataka kung bakit nagkotse pa kami papunta sa bahay nila tita Michelle. Palagi na lang ito ginagawa ni papa sa tuwing may salu-salo sa kanila kahit na 7-10 na bahay ang layo.
  2. Mabenta nanaman ang special pancit ni papa. Gusto mo recipe? Pasensya na di ko din alam eh. Secret daw.
  3. Ang daming pagkain pero ang una kong tinira ay ang hipon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi naman talaga ako mahilig sa hipon. Pero kapansin-pansin na ako ang may pinakamaraming hipon na nakain.
  4. Nanood kami ng P.S I Love You na pinagbibidahan ni Hillary Swank at hindi sina Sharon at Gabby.
  5. Sa streaming sa internet kami nanood ng pelikula kaya medyo paputol putol ito kung saan kailangan mo pang i-rewind ulit ng konti para makahabol ang pag-load ng movie. Nakakatulong din ang pag rewind na iyon dahil mas lalo naming naintindihan ang pelikula pag may nakaligtaan kaming mga linya na hindi namin narinig dahil abala sa pakikipagusap.
  6. Kinukumpara ng mga tito at tita ang mga artistang banyaga sa artistang Pinoy. Halimbawa:
    • Hillary Swank - Melanie Marquez
    • Gerard Butler - Ronnie Rickets
    • Lisa Kudrow - Chanda Romero
Ang masasabi ko lang ay:
Lubhang nakakamiss talaga ang piling ng pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas. Ngunit itong mga maliit na salu-salo kasama ang pamilyang Rivera, Dubria, at Guia ay nakakapuno ng pagkawalay sa mga naiwan sa bayang pinaggalingan. 

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat.


Walang sawang nagbabalat ng hipon,
Peachy Rose
Posted by boogiepeachy at 9:46 PM 1 comments

Monday, April 6, 2009

Sobrang kahihiyan

Mahal kong may magandang hinaharap,

Parang gusto kong matunaw sa upuan ko kanina sa microbiology class dahil sa sobrang lakas ng tunog ng sikmura ko. Aakalain mong may WWIII na nagaganap sa sobrang lakas. Naramdaman kong umabot ang sound waves sa dalawang tao sa kanan at dalawang tao sa kaliwa. Wag mo narin kalimutan ang 3 tao sa likod. Hindi umabot sa harapan dahil napigilan ng malakas na boses ng propesor. Buti hindi umabot sa kabilang dulo ng silid aralan ang nagsusumigaw kong tiyan na parang hindi pinakain ng ilang araw.

Ito lang ang mensahe ko sayo mahal kong tiyan:
Hindi ko kinakalimutang pakainin ka. Utang na loob, wag kang magingay habang nasa klase.


Manipis ang mukha,
Peachy Rose
Posted by boogiepeachy at 7:09 PM 7 comments
Labels: kahihiyan

Thursday, April 2, 2009

Magbatak tayo ng buto

Hoy takaw-tulog,


Galaw-galaw ka naman dyan kung ayaw mo manigas yang mga buto mo. Tumulad ka sa akin at ng kaibigan kong si Czarina. Kanina lang ay nagpunta kami ng gym ng unibersidad dahil nais naming lumakas ang resistensya namin at di kami hingalin sa pagakyat ng hagdan. Syempre nais din naming ibalik ang dating hugis ng amin magandang katawan dahil pareho kaming na-bondat pag dating namin ng Canada.

Iyon ang unang beses naming pumasok ng gym. Hindi namin alam kung alin sa mga kagamitan ang una naming gagamitin. Hindi rin namin alam paano gamitin o paandarin ang mga iyon. Ang una naming sinubukan ay ang treadmill sapagkat iyon lang ang hindi mukhang komplikado gamitin. Pero ng malapitan na namin ito, kami ay natulala sa dami ng pindutan. Nung una, nahiya pa kamin tanungin ang lalaking bising-bisi sa pagtakbo. Ngunit paano kami uunlad kung iiral namin ang hiya? Kaya dinistorbo na namin siya. Hinihingal pa siya nung tinuturuan nya kami kung paano patakbuhin ang treadmill.

Hindi kami nagtagal sa gym dahil may klase pa kami. Pero tuwang-tuwa talaga kami nang kami ay pagpawisan sa loob ng 2 taon ng kami ay manirahan sa Canada (oo, 2 years palang din si Czarina dito sa Canada).

Nung kami ay nasa change room upang magpapresko at magpalit ng damit, may nakakahiyang pangyayaring naganap doon. Hindi ko na ito ikukwento dahil nakakahiya talaga. Buti na lang isang estranghero lang ang nakasaksi nun.
Bukas babalik ulit kami ni Czarina. Inaasahan naming makasama sina Jen at Joanne ngunit sila ay abala sa paghahanda sa pagsusulit. Marahil sa katapusan ng mga pagsusulit namin sila makakasama.


Nagbabatak ng buto para maging seksi,
Peachy Rose

P.S. hindi naman masyadong nakakahiya ung nangyare sa change room pero medyo sensitibo sya.. hehehe
Posted by boogiepeachy at 7:37 PM 3 comments
Newer Posts Older Posts Home
Subscribe to: Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod | Distributed by Deluxe Templates