Happy Easter sa iyo! Nag punta kanina ang pamilya namin sa bahay ng Rivera family para mag dinner kasama ang Guia at Dubria family (mga pinoy na kapit-bahay namin). Eto ang nangyari:
- Nakapagtataka kung bakit nagkotse pa kami papunta sa bahay nila tita Michelle. Palagi na lang ito ginagawa ni papa sa tuwing may salu-salo sa kanila kahit na 7-10 na bahay ang layo.
- Mabenta nanaman ang special pancit ni papa. Gusto mo recipe? Pasensya na di ko din alam eh. Secret daw.
- Ang daming pagkain pero ang una kong tinira ay ang hipon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi naman talaga ako mahilig sa hipon. Pero kapansin-pansin na ako ang may pinakamaraming hipon na nakain.
- Nanood kami ng P.S I Love You na pinagbibidahan ni Hillary Swank at hindi sina Sharon at Gabby.
- Sa streaming sa internet kami nanood ng pelikula kaya medyo paputol putol ito kung saan kailangan mo pang i-rewind ulit ng konti para makahabol ang pag-load ng movie. Nakakatulong din ang pag rewind na iyon dahil mas lalo naming naintindihan ang pelikula pag may nakaligtaan kaming mga linya na hindi namin narinig dahil abala sa pakikipagusap.
- Kinukumpara ng mga tito at tita ang mga artistang banyaga sa artistang Pinoy. Halimbawa:
- Hillary Swank - Melanie Marquez
- Gerard Butler - Ronnie Rickets
- Lisa Kudrow - Chanda Romero
Lubhang nakakamiss talaga ang piling ng pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas. Ngunit itong mga maliit na salu-salo kasama ang pamilyang Rivera, Dubria, at Guia ay nakakapuno ng pagkawalay sa mga naiwan sa bayang pinaggalingan.
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat.
Walang sawang nagbabalat ng hipon,
Peachy Rose

1 comments:
haha.
grabe deep mo magtagalog..di ko na tuloy maintindihan yung iba.
Post a Comment