Mahal kong may magandang hinaharap,
Parang gusto kong matunaw sa upuan ko kanina sa microbiology class dahil sa sobrang lakas ng tunog ng sikmura ko. Aakalain mong may WWIII na nagaganap sa sobrang lakas. Naramdaman kong umabot ang sound waves sa dalawang tao sa kanan at dalawang tao sa kaliwa. Wag mo narin kalimutan ang 3 tao sa likod. Hindi umabot sa harapan dahil napigilan ng malakas na boses ng propesor. Buti hindi umabot sa kabilang dulo ng silid aralan ang nagsusumigaw kong tiyan na parang hindi pinakain ng ilang araw.
Ito lang ang mensahe ko sayo mahal kong tiyan:
Hindi ko kinakalimutang pakainin ka. Utang na loob, wag kang magingay habang nasa klase.
Manipis ang mukha,
Peachy Rose
Monday, April 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

7 comments:
nice one peachay! wahaha "Manipis ang mukha.."
hahaha..bkit kaya ganun?.. pag dating q rin dito canada kahit hndi aq gutom or kakakain q lang tumutunog parin...kakahiya nga minsan eh...hahahah...
tama ka rouxannemarie.. noon hindi naman nangyayare un kahit na gutom ako
nice blog peach..
hehee..
agi agi lang ko :)
haha.. salamat sa pag agi
lol sugar...
natawa ako dito...
i agree.bat kaya?
Post a Comment