skip to main | skip to sidebar

Plurk

Plurk.com

Archivo del blog

  • ► 2012 (3)
    • ► October (1)
      • ► Oct 28 (1)
    • ► February (1)
      • ► Feb 01 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 01 (1)
  • ► 2011 (1)
    • ► November (1)
      • ► Nov 26 (1)
  • ▼ 2010 (9)
    • ▼ March (6)
      • ▼ Mar 31 (1)
        • Pikon na kung pikon!
      • ► Mar 29 (1)
        • Boses babae talaga si Justin Beiber noh
      • ► Mar 24 (1)
        • Malayo man parang malapit din (madramang title)
      • ► Mar 23 (1)
        • Takot ka noh?
      • ► Mar 22 (1)
        • Birthday Gift
      • ► Mar 20 (1)
        • Autotune
    • ► February (2)
      • ► Feb 19 (1)
        • OH SHIT!!
      • ► Feb 10 (1)
        • PORN
    • ► January (1)
      • ► Jan 09 (1)
        • Ang Aking Inspirasyon
  • ► 2009 (31)
    • ► October (2)
      • ► Oct 08 (1)
      • ► Oct 07 (1)
    • ► August (1)
      • ► Aug 10 (1)
    • ► July (2)
      • ► Jul 01 (2)
    • ► June (2)
      • ► Jun 08 (1)
      • ► Jun 02 (1)
    • ► May (7)
      • ► May 28 (1)
      • ► May 21 (2)
      • ► May 18 (1)
      • ► May 17 (1)
      • ► May 14 (1)
      • ► May 08 (1)
    • ► April (9)
      • ► Apr 27 (2)
      • ► Apr 20 (1)
      • ► Apr 17 (2)
      • ► Apr 15 (1)
      • ► Apr 12 (1)
      • ► Apr 06 (1)
      • ► Apr 02 (1)
    • ► March (8)
      • ► Mar 30 (1)
      • ► Mar 29 (2)
      • ► Mar 26 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (2)
      • ► Mar 19 (1)

Labels

  • dinner talk (4)
  • hanger (1)
  • kahihiyan (1)
  • kinamumuhian (6)
  • labada (1)
  • mama (1)
  • March Break (1)
  • papa (1)
  • payong kaibigan (1)
  • random (1)
  • unang lagay (1)
  • walang tawiran nakamamatay (1)

Subscribe To

Posts
    Atom
Posts
All Comments
    Atom
All Comments

Followers

Powered By Blogger

beautiful young woman mounted on a gnu

magandang dalaga na nakasakay sa gnu

Wednesday, March 31, 2010

Pikon na kung pikon!

Nakakainis talaga yung mga taong malisyoso. Yung binibigyan ng issue kapag lalabas ako kasama ang friends o pagpasok sa school at sinasabi nila na date ang pupuntahan ko. Pero ang mas nakakairita ay yung inaasar ka na boyfriend mo yung kasama mong lalake. At kahit na biro lang iyon, nakakairita pa din kasi:
  1. Kapag tinanggi mo ang mga panghuhusga nila, magmumukha ka namang nagsisinungaling hanggang sa nagmumkha ka nang nagdedeny at guilty.
  2. Nakakahiya naman dun sa kasama mo lalo na pag hindi pala ikaw ang type nya.
  3. Masakit marinig ang pagtanggi na may namamagitan sa inyo kahit ayaw mo sa kanya. Pride na din noh. Parang wala syang karapatan na i-reject ka nya.
  4. Masakit marinig ang pagtanggi nya lalo na pag gusto mo sya.
  5. Kapag sinabi mo na hindi mo boyfriend ang kasama mong lalake, baka naman isipin nya na ayaw mo sa kanya. Paano pag gusto ka pala nya at gusto mo din sya? Edi nagkalabuan na parang sa Pride and Prejudice ni  Jane Austen.
Diba? Diba?! *wink* Pikon na kung pikon pero alam ko sumasangayon ka din *muhaha*

P.S.
Hindi naman ako galit. Minumungkahi ko lang ang laman ng isip ko sa kasalukuyan.
P.S. P.S.
 Di na din ako mangaasar ng iba
Posted by boogiepeachy at 3:56 PM 0 comments
Labels: kinamumuhian

Monday, March 29, 2010

Boses babae talaga si Justin Beiber noh



Dodong:Te, ano yang pinapanood mo?
Me:Video ni ijustine na nanonood sya ng show ni Justin Beiber.

*kumakanta si Justin beiber ng Baby
Dodong:Is that her.. umm him pala?
Me:BWAHAHAHAAH!


Posted by boogiepeachy at 4:04 PM 0 comments

Wednesday, March 24, 2010

Malayo man parang malapit din (madramang title)

Katext ko ang aking kaibigan na si Wilhelmina na nasa Pilipinas. Tinutulungan nya ako sa aking suliranin tungkol sa ticket sa concert ni Lady Gaga. Naubusan na kasi ako at lubhang nabibigo ako sa nangyari. Nung nabigyan na nya ako ng solusyon, bigla kong naisip na kumuha ng bente pesos sa aking wallet, pumunta sa malapit na tindahan at bumili ng Piattos. Sa sandaling iyon, akala ko nasa Pinas ako at nakalimutan ko na nasa Canada ako. Marahil, ang mga text ni Willet ang nagpapalapit sa akin sa Pinas.

Buti na lang at nakakatext ko pa din si Willet kahit na napakalayo namin sa isa't isa.
Posted by boogiepeachy at 9:09 PM 0 comments

Tuesday, March 23, 2010

Takot ka noh?

Habang naglalakad kami ng aking mahal na kaibigan na si Jen, pinaguusapan namin ang marijuan. Ayon sa kanya legal daw iyon dito sa Canada at may maraming sakahan at tindahan na nakakalat dito bilang pruweba. Nagbiro ako sa kanya na magiging pusher ako bukas na bukas din nang biglang may nagsabi ng "EXCUSE ME!" sa likod namin. Nung una hindi namin pinansin dahil marami kaming kasabay sa paglakad at marahil hindi kami ang tinutukoy nya. Pero malakas ang kabog ng aking dibdib. Iniisip ko tinatawag nya ang aming pansin dahil  gusto nya kami bigyan ng babala sa pagiging pusher. Tuloy pa din sa pag "EXCUSE ME!" si manong sa likod ngunit hindi pa din namin sya pinansin. Sa pangatlong tawag nya, lumingon na kaming dalawa sabay abot nya ng orange na ipod at sinabing "You dropped this."

Ako ay nagpapasalamat dahil akala ko nagkamali sya ng pagunawa sa aming usapan (at dahil binalik nya ang ipod ko).
Posted by boogiepeachy at 9:56 PM 0 comments

Monday, March 22, 2010

Birthday Gift

Matagal pa ang birthday ko pero ito ang mga hinihiling ko para sa araw na iyon. (Para sa mga kaibigan ko, pili kayo ng isang ireregalo nyo sa akin)

  1. Book na compilation ng fairy tales. Ayaw ko yung pambatang version na may malalaking text at pinaikli ang kwento.
  2. Nancy Drew or Hardy Boys book na from #12 and up (meron na kasi ako nung iba eh).
  3. 5-12 yellow roses.
  4. Bra from Pink, size 32A.
  5. Converse size 7.
  6. Cake. Kahit anong cake kakainin ko naman eh.
  7. Chocolate.
  8. Swatch or Fossil na watch.
  9. Pillow. Gusto ko yung malaki para mahug ko at pwedeng i-tanday*.
  10. Blanket. Para sa malalamig na gabi. Pero mas maganda kung comforter.
  11. Earphones. Para kahit saan ako lumingon may earphones sa tabi ko.
At sa bawat regalo, kelangan may kasamang hug. GOT IT?!

Thanks in advance. Aylabyu ol!
Posted by boogiepeachy at 10:38 AM 0 comments

Saturday, March 20, 2010

Autotune

Mama: Gaganda boses mo sa autotune?

Dodong: OO.

Me: Di ko na kelangan nyan.

Dodong: Yea, because you need something better than autotune.


Ang yabang talaga ni dodong.. hmp.. ahaha..

Posted by boogiepeachy at 10:48 PM 0 comments
Labels: dinner talk

Friday, February 19, 2010

OH SHIT!!

Ang alam ng maraming tao hindi ako nagmumura. Pero ang hindi nila alam nagmumura lang ako sa isip ko. Ngunit kanina bigla ako napasigaw, na walang kamalay-malay, ng "OH SHIT!" nung hawakan ko ang mainit na handle ng kaserola. Hindi ako makapaniwalang lumabas sa bibig ko iyon at ng malakas. Hindi ko naman inaalala na masama ang ginawa ko. Ang bumabagabag lang sa akin ay maaaring, sa susunod, masabi ko ng hindi namamalayan ang mga kung anu-anong iniisip ko na ayaw kong ipaalam sa ibang tao. Kapag nakaugalian ko na ito, magiging baliw na ako ng tuluyan. Palagi ko pa naman naiisip na may posibilidad na maging baliw ako kaya kinatatakutan ko ang mga psychiatric hospitals dahil baka mahawa ako sa kanilang pagkabaliw (parang tawa at hikab na sinasabing contagious daw). Pero bago pa man mangyari iyon, hinihiling ko lang na wag mo akong husgahan kung naging mahina man ang aking pagiisip at hindi ko kinaya ang mga nangyayari sa buhay. Hindi ko ninanais na mangyari iyon at sana tulungan mo akong gumaling. Tulungan mo akong maging normal ulit. Thanks in advance :)
Posted by boogiepeachy at 10:15 AM 0 comments

Wednesday, February 10, 2010

PORN

Kaya nagkavirus computer mo kasi porn ka ng porn eh.
Hindi ko maintindihan ang linyang to kasi marami pa din ang may gusto ng porn imbes na iwasan dahil sa virus na kumakalat sa mga iyon. At, ano ba ang nakakaaliw sa mga porn sites? Bakit kinababaliwan ito?
Posted by boogiepeachy at 8:18 AM 2 comments

Saturday, January 9, 2010

Ang Aking Inspirasyon

hello online world!
Ako ay nagbabalika after 3 buwan na hindi ako nakapagpost ng kahit ano. Sa aking pagbabalik, ako ay pagod na pagod galing sa trabaho*. First time ko na magtrabaho ng Saturday morning at 2nd shift pa. Hindi ko sana naramdaman ang pagod kung di lang nakakastress ang mga customers. Napakakomplikado ng mga orders nila, ang dami, at di ko maintindihan sinasabi nila. Inis na inis talaga ako kanina dahil sa stress at sa pagiging demanding ng mga customers. Sa sobrang inis ko, hindi ko napigilan sarili ko at binuhos ko ang isang pot ng coffee sa isang cup hanggang sa umapaw. Buti konti na lang ang laman ng pot kaya di ako gumawa ng malaking spill. Nung narealize ko na nawala ako sa sarili ko, bumalik ako sa tamang katinuan at naisip ko: di ko hahayaan sarili ko na malagay sa ganitong sitwasyon.
Temporary lang naman ito eh. Part ito ng growing up. Therefore, magaaral akong mabuti para maging successful ang future ko. Ganun naman dapat diba? Haha. I'M SO FIRED UP NOW!

*OO 4 MONTHS NA AKONG NAGBE-BAKE, TUWING GABI, 3-4 DAYS A WEEK, PARA SA ISANG FASTFOOD RESTAURANT.
Posted by boogiepeachy at 8:06 PM 1 comments
Newer Posts Older Posts Home
Subscribe to: Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod | Distributed by Deluxe Templates