- Kapag tinanggi mo ang mga panghuhusga nila, magmumukha ka namang nagsisinungaling hanggang sa nagmumkha ka nang nagdedeny at guilty.
- Nakakahiya naman dun sa kasama mo lalo na pag hindi pala ikaw ang type nya.
- Masakit marinig ang pagtanggi na may namamagitan sa inyo kahit ayaw mo sa kanya. Pride na din noh. Parang wala syang karapatan na i-reject ka nya.
- Masakit marinig ang pagtanggi nya lalo na pag gusto mo sya.
- Kapag sinabi mo na hindi mo boyfriend ang kasama mong lalake, baka naman isipin nya na ayaw mo sa kanya. Paano pag gusto ka pala nya at gusto mo din sya? Edi nagkalabuan na parang sa Pride and Prejudice ni Jane Austen.
Diba? Diba?! *wink* Pikon na kung pikon pero alam ko sumasangayon ka din *muhaha*
P.S.
Hindi naman ako galit. Minumungkahi ko lang ang laman ng isip ko sa kasalukuyan.
P.S. P.S.
Hindi naman ako galit. Minumungkahi ko lang ang laman ng isip ko sa kasalukuyan.
P.S. P.S.
Di na din ako mangaasar ng iba

atext ko ang aking kaibigan na si Wilhelmina na nasa Pilipinas. Tinutulungan nya ako sa aking suliranin tungkol sa ticket sa concert ni Lady Gaga. Naubusan na kasi ako at lubhang nabibigo ako sa nangyari. Nung nabigyan na nya ako ng solusyon, bigla kong naisip na kumuha ng bente pesos sa aking wallet, pumunta sa malapit na tindahan at bumili ng Piattos. Sa sandaling iyon, akala ko nasa Pinas ako at nakalimutan ko na nasa Canada ako. Marahil, ang mga text ni Willet ang nagpapalapit sa akin sa Pinas.
abang naglalakad kami ng aking mahal na kaibigan na si Jen, pinaguusapan namin ang marijuan. Ayon sa kanya legal daw iyon dito sa Canada at may maraming sakahan at tindahan na nakakalat dito bilang pruweba. Nagbiro ako sa kanya na magiging pusher ako bukas na bukas din nang biglang may nagsabi ng "EXCUSE ME!" sa likod namin. Nung una hindi namin pinansin dahil marami kaming kasabay sa paglakad at marahil hindi kami ang tinutukoy nya. Pero malakas ang kabog ng aking dibdib. Iniisip ko tinatawag nya ang aming pansin dahil gusto nya kami bigyan ng babala sa pagiging pusher. Tuloy pa din sa pag "EXCUSE ME!" si manong sa likod ngunit hindi pa din namin sya pinansin. Sa pangatlong tawag nya, lumingon na kaming dalawa sabay abot nya ng orange na ipod at sinabing "You dropped this."