skip to main | skip to sidebar

Plurk

Plurk.com

Archivo del blog

  • ► 2012 (3)
    • ► October (1)
      • ► Oct 28 (1)
    • ► February (1)
      • ► Feb 01 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 01 (1)
  • ► 2011 (1)
    • ► November (1)
      • ► Nov 26 (1)
  • ► 2010 (9)
    • ► March (6)
      • ► Mar 31 (1)
      • ► Mar 29 (1)
      • ► Mar 24 (1)
      • ► Mar 23 (1)
      • ► Mar 22 (1)
      • ► Mar 20 (1)
    • ► February (2)
      • ► Feb 19 (1)
      • ► Feb 10 (1)
    • ► January (1)
      • ► Jan 09 (1)
  • ▼ 2009 (31)
    • ► October (2)
      • ► Oct 08 (1)
      • ► Oct 07 (1)
    • ► August (1)
      • ► Aug 10 (1)
    • ► July (2)
      • ► Jul 01 (2)
    • ► June (2)
      • ► Jun 08 (1)
      • ► Jun 02 (1)
    • ► May (7)
      • ► May 28 (1)
      • ► May 21 (2)
      • ► May 18 (1)
      • ► May 17 (1)
      • ► May 14 (1)
      • ► May 08 (1)
    • ► April (9)
      • ► Apr 27 (2)
      • ► Apr 20 (1)
      • ► Apr 17 (2)
      • ► Apr 15 (1)
      • ► Apr 12 (1)
      • ► Apr 06 (1)
      • ► Apr 02 (1)
    • ▼ March (8)
      • ▼ Mar 30 (1)
        • Ang Marso ko ay...
      • ► Mar 29 (2)
        • Walang Tawiran Nakamamatay
        • Hanger
      • ► Mar 26 (1)
        • Nakalusot
      • ► Mar 22 (1)
        • Paano humingi ng pang-kape
      • ► Mar 20 (2)
        • Mga Bagay Na Kinamumuhian
        • Marso Biak
      • ► Mar 19 (1)
        • Paunang Lagay

Labels

  • dinner talk (4)
  • hanger (1)
  • kahihiyan (1)
  • kinamumuhian (6)
  • labada (1)
  • mama (1)
  • March Break (1)
  • papa (1)
  • payong kaibigan (1)
  • random (1)
  • unang lagay (1)
  • walang tawiran nakamamatay (1)

Subscribe To

Posts
    Atom
Posts
All Comments
    Atom
All Comments

Followers

Powered By Blogger

beautiful young woman mounted on a gnu

magandang dalaga na nakasakay sa gnu

Monday, March 30, 2009

Ang Marso ko ay...

Ikaw na mabilis ang kamay,

Ngayong patapos na ang buwan ng Marso, nais kong ibahagi sa iyo ang mga pangyayaring kapansin-pansing paulit-ulit.
  1. Hello Sugat! Noong mga unang linggo ng buwan ng Marso, halos araw-araw na lang ako nasusugatan sa dila, tuhod, at paa. Karaniwan ay sa kanang kamay mula sa pagbubukas ng mga karton. Ngunit hindi galing sa gunting o cutter na ginamit pang bukas ng karton ang hiwa. Nanggaling ito mismo sa matatalas na gilid ng karton.
  2. Friday I'm In Love. Parang nananadya ang mp3 ko pag gising ko sa umaga dahil Friday I'm In Love ng The Cure ang parating pambungad na awitin sa akin.
  3. Matamis-diabetes. Paborito kong inumin ang french vanilla. Araw-araw akong bumibili nito sa campus namin at may kasama pang cookies o muffin. Pag dating ng bahay, ang ice cream naman sa freezer ang tinitira ko. Pero pansamantala ko munang tinigil ang hilig ko dahil sobra na.
  4. Sunog. Ilang beses ko nang nasunog ang niluto ko dahil nakakalimutan kong patayin ang stove. Minsan nawawala na ang pinapakuluan kong tubig. Buti napapansin ko agad bago maabo ang bahay namin.
  5. Wala sa sarili? Tulad ng iba, hinahanda ko pag gabi ang byahe ko kinabukasan. Inaalam ko kung anong oras darating ang bus at anong oras ako dapat gumising. Ngunit sa hindi malamang dahilan maaaring maaga o huli ako ng isang oras sa mga una kong klase. Marahil namamali ako ng tingin sa oras. Minsan, sobra akong nagmamadali maghandang pumasok at tumatakbo papunta sa bus pero yun nakaalis na ang bus at isang oras pa akong maghihintay sa susunod. O kaya naman ay dadating ako sa klase na walang katao-tao dahil maaga ako ng dating.

Para sa buwan ng Abril:
  1. Ilalayo ko na ang sarili ko sa mga KARTON.
  2. Ipagpapatuloy ko ang pagiwas sa matatamis kahit na may tatlong tub ng sorbetes sa freezer ngayon.
  3. Kailangan kong magingat sa niluluto ko. Hanggat maaari hindi ako magluluto.
  4. Aayusin ko na buhay ko!!
  5. Wala na akong magagawa sa kantang yan.

Babaeng tulak ng bibig,
Peachy Rose
Posted by boogiepeachy at 9:09 PM 0 comments
Labels: random

Sunday, March 29, 2009

Walang Tawiran Nakamamatay

Samaing palad,

Sa tingin mo, saan mas delikadong tumawid: sa Canada o sa Pilipinas? Noong papunta kami ng Walmart, may nakita kaming tatlong tao na tumatawid sa Mavis Rd. kahit hindi pa go ang stoplight. Mukhang ligtas naman ang tumawid dahil walang sasakyang dumadaan. Matagal lang kasi magpalit ang stoplight sa lugar na yun kaya karamihan ay tumatawid na bago pa magsabi ang stoplight na maari mo nang tawirin ang daan (at isa na ako doon).

Nang makita iyon ni papa, pinaalalahanan nya kaming wag gayahin ang mga taong iyon. Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na araw-araw ako noong, nasa Pinas pa ako, nakikipag-patintero sa mga sasakyan sa Edsa.

Ayon sa walkinginfo.org, ang mga sumusunod ay ang batayan ng ligtas na pangtawiran:
  • kakaunting daan
  • may stop bar sa daan upang malaman ng mga motorista kung saan titigil at makapagbigay ng daan na tatawiran ng tao
  • may maliit na isla sa gitna ng daan upang mahati ang tawiran sa dalawa
  • sapat ang ilaw sa stoplight
Sa iyong palagay, saan mas ligtas?

Namumuti ang mata,
Peachy Rose

P.S. niliteral ko talaga ang pagtagalog dun sa sinabi ng walkinginfo.org lol
Posted by boogiepeachy at 5:55 PM 3 comments
Labels: papa, walang tawiran nakamamatay

Hanger

Bb. Balitang-kutsero,

Natutunan ko sa Health Studies class na maraming ospital sa rural areas ang nagsasara dahil sa kakulangan sa tauhan. Kaunti lamang ang doktor at nars na nais magtrabaho sa malalayong bayan. Bakit nangyayari ang ganitong bagay?
  1. Dahil sa kulang sa tao, hindi sila maaaring lumiban sa kanilang trabaho. Walang maaring ipalit kapag sila ay wala.
  2. Dahil kulang sa kagamitan ang mga ospital doon.

Nakakabigo naman talaga ang magtrabaho sa isang lugar na may maraming kakulangan. Hindi mo maibigay ang serbisyong nais mo dahil kapos sa gamit. Tulad na lang pagkatapos kong maglaba, tutupiin ko ang mga damit at ilalagay sa aparador. Maliban sa mga damit pangopisina nila mama at papa na kailangan isabit sa hanger dahil karamihan sa sabitan ng damit ay sira*. Hindi ko tuloy magawa ng maayos ang simple kong trabaho. Buti na lang namili ng matitibay na pansabit ng damit ang mga magulang ko kamakailan lang at di na sila pumapasok na gusot ang damit.

Paano pa kaya ang mga doktor at nars na nagtatrabaho sa isang ospital na kulang sa
beds at mga modernong kagamitan?

Lingo-lingong naglalaba,
Peachy Rose

P.S. May koneksyon ba ang kwentong hanger sa problema sa ospital?

*madali masira mga hanger dito sa Canada. Mas mabuti pa ang hanger na galing sa Baclaran at Divisoria.. teehee
Posted by boogiepeachy at 1:35 PM 1 comments
Labels: hanger, labada

Thursday, March 26, 2009

Nakalusot

Utak-biya,

Gusto ko maging katulad nila mama at papa. Maraming tao ang nirerespeto sila kahit na sila ay ordinayong tao lang. Pinagtitiwalaan at pinakikinggan ang mga sinasabi nila. Parang pinanganak na silang tama lahat ng lumalabas sa bibig nila. Pero nalaman ko kanina lang na nagkakamali din pala sila.

Eto ang halimbawa:

Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap sa opisina na pinagtatrabahuan ni mama. Isang umaga habang hindi pa marami ang ginagawa sa trabaho, nagusap sina mama at ang kanyang kaopisina. Pinapakita ng ka-opisina ni mama ang mga litrato nya noong sya ay medyo bata-bata pa.

Mama: Wow! Ikaw to? ang ganda mo naman. Alam mo? Telegenic ka. (seryosong sinabi)
(katahimikan)
Ka-opisina: Oo. Photogenic talaga ako. (seryosong sumagot)
Mama: (kindat-kindat at napaisip na mali ang nasabi noong una) Oo. Photogenic ka din. Pwede ka na mag model.

Aral:
  • Kapag magsasalita ka dapat mukhang palaging may alam.
  • Kapag nagkamali.. magpalusot.
  • Wag magpalinlang sa mga taong mukhang may maraming alam. Magaling lang talaga sila magpalusot.

Palaging naguunawa,
Peachy Rose

P.S. Talagang matatalinong tao ang mga magulang ko. High acheivers silang dalawa. Siguro naman naipasa nila sa akin ang mga katangian na yan?
Posted by boogiepeachy at 9:33 PM 0 comments
Labels: dinner talk, mama

Sunday, March 22, 2009

Paano humingi ng pang-kape

Utang na loob,

Kaninang umaga, dalawang beses kami hinatid ni papa sa simbahan dahil 6 kami (pang-anim ang bisita) at pang 5-seater lang ang sasakyan. Iminungkahi ni papa na sumakay ng bus ang kapatid kong si Stacy upang hindi na masayang ang oras sa pagbalik sa simbahan upang sunduin ang maiiwan.

Kapansin-pansin na nakasimangot ang mukha ni Stacy sa buong byahe papuntang simbahan. Kaya nakiusap si mama na ako ang mag bus sa halip na si Stacy. Ako naman ay agad-agad na sumang ayon at pabirong humingi ng pang-kape. Agad din naman akong tinanggihan ng aking ina.

Noong natapos ang misa, ipinaalam nila sa akin na sila ay dadaan muna sa pagupitan dahil magpapagupit ang bunso kong kapatid na si Dodong. Iminungkahi ko kay mama na nais ko ding sumama at magpagupit. Ito ang ikalawang beses na ako ay kanyang tinanggihan. Ngunit, upang hindi sumama ang aking loob, inabot nya sa akin ang kanyang pitaka at hinayaan nya akong kumuha ng kahit magkano para pang-kape.

Aral:
  • Kapag ikaw ay tinanggihan ng magulang mo sa una mong hiniling, humiling ka ulit na mas malaki ang halaga sa na una.
  • Kapag ikaw ay hihiling, dapat ikaw ay nasa kaawa-awang sitwasyon upang lumambot ang kanilang puso para ibigay sayo ang gusto mo.
  • Kapag may gusto kang hingin, sa ama lumapit at wag sa ina.

Nagmamalasakit,
Peachy Rose
Posted by boogiepeachy at 3:59 PM 5 comments
Labels: payong kaibigan

Friday, March 20, 2009

Mga Bagay Na Kinamumuhian

Maraming bagay sa mundo ang ayaw ko ngunit tong tatlo pa lang ang nasa isip kong ipamahagi ngayon.
  1. Tumutunog ang tiyan habang nasa klase o kumukuha ng pagsusulit. Nakakahiya kapag naririnig ng katabi ang tyan na nagrerebolusyon. Mawawala ang konsentrasyon sa pagsusulit dahil iniisip ang sobrang kahihiyan. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, kailangan kumain bago pumasok sa klase at mag dala ng makuot-kuot*
  2. Mga taong nagmamadali na nakasunod sa iyong likod habang naglalakad. Napipilitan ka din na magmadali dahil ayaw mo maabala ang tao sa likod mo. Bakit hindi na lang sila mauna para lahat masaya?
  3. Mga taong nasa harap mong mabagal maglakad. Nakakaasar ito lalo na sa mga lugar na dalawang tao lang ang kasya sa daan at ikaw ay nagmamadali sa pupuntahan mo. HUUWAG ANGKININ ANG BUONG DAAN MGA KAIBIGAN!
*makuot-kuot - snacks
Posted by boogiepeachy at 11:17 PM 0 comments
Labels: kinamumuhian

Marso Biak

Oh bungang-araw,

Kapansin-pansin sa linggong ito na dinagsa ang aking unibersidad ng mga kabataan mula sa  preschool at gradeschool. Makikita mo sila kahit saan ka pa lumingon. Kahit na sa loob ng klase. OO! Sila ay kasama mong nakaupo at nakikinig sa propesor na nagtuturo. Hindi ito dahil sila ay may field trip, sa halip sila ay may March Break. 

Ang March Break ay isang linggong pahinga mula sa pagaaral. Maaaring mamasyal ang mga bata sa zoo o museum, o mamalagi sa bahay at maglaro ng Xbox, PS2 o 3, Wii, at kung anu ano pang pwedeng libangan. Ngunit, hindi maaring iwan magisa ang batang edad 11 pababa. Kaya dinadala ng mga estudyante sa unibersidad na may anak ang kanilang mga supling. Nais ko rin sanang isama ang aking kapatid na si Ramon Dominic a.k.a Dodong, subalit walang magandang iskedyul.

Masasabi kong parang araw-araw ay Family Day sa aming paaralan.

EKS-O-EKS-O,
Peachy Rose
Posted by boogiepeachy at 10:06 PM 0 comments
Labels: March Break

Thursday, March 19, 2009

Paunang Lagay

Maligayang pagbati,

Bilang paunang lagay sa blog na nilikha ko noong nakaraang 3 buwan, nais kong ipahayag ang aking galak na ipamahagi sa madla ng "World Wide Web" ang nilalaman ng aking isipan. Magsisilbi rin itong talaan ng mga pangyayari sa aking simpleng buhay. Gagamitin ko ang mga wikang Ingles, Tagalog, at Bisaya depende kung ano ang na aayon sa aking kagustuhan.

Sa susunod nating pagkikita,
Peachy Rose *3*
Posted by boogiepeachy at 8:11 PM 0 comments
Labels: unang lagay
Newer Posts Home
Subscribe to: Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod | Distributed by Deluxe Templates