PS. Rlax lang mga pare ko.. hahaba din iyan :) SMILE
Thursday, October 8, 2009
Wag Kang Makialam!!
Gusto kong pagupitan ang buhok ko ng maikling maikli pero ayaw ko na mabigyan ng atensyon ng mga taong makakapansin ng haba ng nagupit. Siguradong may mga taong magtatanong kung bakit ang haba ng binawas ko sa buhok ko. Minsan parang nangununsensya pa sila na para bang pinakulayan ko ang buhok ko ng red or blue kahit di naman. Hindi naman kelangan magreact ng todo-todo ddiba?!
Wednesday, October 7, 2009
Mapagpanggap
Maraming mga estudyante ang nagdadala ng laptop sa lectures dahil ayon sa kanila mas madali daw take down notes kapag ti-na-type. Pero hindi naman siguro necessary na i-type ang bawat nakasulat sa slides? Lalo na kung pwede mong i-download ito. Palagi naman pi-no-post ng professor ang lecture slides nya bago ang klase, kaya maaari mo pa itong tingnan at maging handa ka sa lesson sa araw na iyon. Pag dating sa klase, magdadagdag ka na lang ng mga sinabi ng professor na sa tingin mo ay importante. Kaya ba nila ginagawa to ay dahil nagpapanggap sila na interesado sila sa klase?
Labels:
kinamumuhian
Monday, August 10, 2009
Ang Pangaral
Ito ang karaniwang sinasabi ng mga magulang sa anak nila.
Kapag babae ang anak:
Anak, huwag ka magpapabuntis hanggat di ka pa kasal.
Kapag lalake ang anak:
Anak, huwag ka babakla-bakla.
Wednesday, July 1, 2009
Sweet Mom and Dad
Happy Canada Day! at dahil sa okasyon na ito may sari saring mga pangyayari ang nagaganap sa iba't ibang parte ng Canada. May picnics, parades, at concerts. Sa tapat ng city hall may maliit na concert na nagaganap at nagkataong andun sina mama at papa. Dahil nais nilang ipamahagi sa mga anak nila ang mga nangyari sa mini concert na iyon, nilabas nila ang kanilang telepono para i-record ang mga pangyayari: si papa ang nag record ng mga kanta habang si mama ang nag kumuha ng litrato (malabo kasi kapag video at malaki ang space na nakakain). Subalit, hindi naging kanais-nais ang resulta. Hindi makita ang mga artist dahil malayo ang shot. Ang voice recording naman ay hindi malinaw at hindi marinig ang singer. Kaya ang ginawa ni papa ay sinabayan nya ang kanta para mapatungan at magmukhang malinaw ang record nya. Nang makita at marinig ko ang mga ito, halakhak talaga ako ng todo!
SALAMAT SA EFFORT.. MAHAL KO KAYO *mwah*
Clogged Up
Magtitiwala ka ba sa mga free samples na iniiwan lang sa iyong mailbox? Nung isang araw, may nakasabit na plastic from Coke-cola na may lamang Coke Zero in can. Kahit free pa ang inumin, hindi pwede magkumpyansa na free din ang medical expenses or ang buhay mo kapag ininom mo iyon. Kaya kagabi, tinapon ko sa sink ang laman ng can habang naghuhugas. Ngunit may pangyayaring hindi kanais-nais para sa isang tagahugas. NAG CLOG ANG SINK! Ngayon ko lang ito naranasan sa tagal kong naghuhugas ng plato (2 years dish washer). Sinisisi namin sa pangyayaring ito ang misteryosong Coke Zero in can na nasa loob ng isa presentableng plastic bag ng coke. Buti na lang di namin ininom ito dahil baka ang laman namin ang bumara.
Monday, June 8, 2009
Tapal Mukha
Nakakinis yung mga tao na gamit ang picture nila pang background. Ayos lang sana kung isa or dalawa at nasa gilid lang ng page. Pero kung natapalan na ang background ng libu-libong picture na puro mukha ng isang tao, anggulo lang ang pinagkaiba, iba na ang dating nun. Parang pinagpipilitan sayo na tingnan mo ang mga litrato niya. Nagpost ka pa ng profile pic mo. Akala ata hindi sya mamumukhaan.
Labels:
kinamumuhian
Tuesday, June 2, 2009
Special Training
Ang tanda ko na. Si Dodong 12 years old, si Stacy naman ay turning 20 ngayong buwan, habang ako ay magiging 22 ngayong taon. Pwede na magasawa ang edad ko pero hindi pa ako handa sa mga bagay na iyan. Kelan lang, parang may special training akong natatanggap mula sa aking mga magulang. Mukhang hinahanda nila ako para sa buhay may asawa. Palagi nila akong inuutusan subalit kakaiba ito sa mga nakaraan nilang utos. Karaniwang utos nila ay humihingi ng tulong sa gawain. Ngunit sa pagkakataong ito, tinatawag nila ako, bibigyan ng gawain, at uupo sila at ako ay papanoorin. Mukha silang mga CI (clinical instructor) na nag-eevaluate kung tama ba ang ginagawa mo o hindi.
Ito ang halimbawa:
- Isang hapon, ang lahat ay nagrerelax. Si mama nakahiga, si papa nagbabasa, si dodong naglalaro, si stacy at ako ay nagko-kompyuter. Malapit na ang hapunan kaya kailangan na magluto. Handa na ang kanin pero wala pang ulam. Karaniwang nagluluto si mama o si papa (dahil hindi kami marunong magluto) maliban ngayon. Tinawag ako ni mama sa kusina at sinabihang ilabas ang baboy na naliligo sa patis at paminta na nasa ref. Matapos ko ilabas ang baboy sinundan nya agad ng isa pang utos: ilabas ko daw ang kawali. At sinundan pa nya ang mga order hanggang umabot sa ako at nagpiprito ng baboy (sana sinabi na lang nya na prituhin ko ang baboy at hindi nya inisa-isa ang gagawin). Lahat ng ito ay nangyayare habang nakaupo si mama sa sala at pinapanood akong paikot-ikot sa kusina. Paminsan-minsan tumatayo sya at tinitingnan kung tama ba ang ginagawa ko.
- Kanina, nang matapos na magluto ng hapunan si papa, tinawag nya ako. Karipas naman ako sa pagtakbo dahil akala ko kakain na. Pagdating ko sa kusina inabot nya sa akin ang isang pakete ng Knorr mushroom soup mix at inutusan na gawin iyon. Lumabas sya ng kusina, umupo sa dining table, binuksan ang laptop at tumitingin ng balita sa internet habang ako ay nagbabasa sa instruction kung paano iyon lutuin. Nang mapansin ni papa na paikot ikot ako ng kusina, binigyan nya ako ng directions kung ano ang gagawin. Hindi maganda ang resulta ng aking soup dahil namuo ang powder at matabang ang lasa. Haha.
Thursday, May 28, 2009
Tita Peachy
Ugh. Tumatanda na talaga ako dahil Tita Peachy na ang tawag sa akin ng mga kaibigan ni Dodong/mga bata na inaalagaan ko. Nagmamano pa sila sa tuwing makikita ako. Napapansin ko na nagaalinlangan sila na tawagin akong "ate" noon. Parang nahihirapan sila na bigkasin ang salitang iyon dahil nagdadalawang-isip sila kung "ate" ba ang dapat. Iyon kasi ang turo sa kanila ng mga magulang nila. Ngunit, para sa kanila, ako ay tita nila at hindi ate. Ano ba ang pinagkaiba ng dalawa?
Ito lang ang masasabi ko:
Ikinararangal ko na tawagin nila akong tita dahil hindi lang ako isang ate na kaibigan nila. Datapwat, ako ay isang responsableng binibini na palaging maasahan kapag sila ay nangangailangan. At matanda na talaga ako.
Thursday, May 21, 2009
Mga Pangalan Na Di Na Dapat Naimbento Pa
Ang tao ay likas na maparaan upang mapagaan ang mga gawain. Naimbento ang "txt" upang mapadali at mapaikli ang pagsusulat. Pero ang di ko matanggap ay ang pagpapaikli ng pangalan ng mga magpartner. Napansin ko na nagsimula ito kina Angelina Jolie at Brad Pitt at tinawag sila ng mga fans na Bradgelina. Tapos may maraming sumunod. Merong Cookuleta para sa mga David Cook at David Archuleta fans. Syempre hindi magpapahuli ang mga Pinoy. Meron din silang Dongyan para sa tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Ano ba ang nangyayare sa mundo ngayon? Bakit ang tamad nila isulat ang buong pangalan? Pwede bang tigilan na natin ito?
P.S. Nakakatawa ang Cookuleta lol
Labels:
kinamumuhian
Dulo ng Walang Hanggan
Bawat minuto ay mahalaga. Ngunit, nakakabuwisit talaga kapag nasasayang ang oras sa paghahanap ng bagay na hindi napapansing nasa harapan mo na. Isa sa angkop na halimbawa para dito ay ang paghahanap ng dulo ng tape (duct tape, scotch tape, electrical tape, at kung anu pang madihit na bagay na nakarolyo) lalo na pag ito ay transparent at wala sa dispenser. Nakakagigil talaga dahil alam mong may dulo ito pero hindi mo makita. Hindi mo din to maramdaman. Paikot-ikot ka at kinakapa ang bawat bahagi ng bilog na bagay na iyon upang mahanap ang magaspang na parte dahil iyon ang palatandaan ng dulo ng tape.
Aral:
Ang dispenser ay isang puhunan. Magagamit mo ng wasto ang oras dahil hindi na ito masasayang pa sa paghahanap ng dulo ng tape.
Labels:
kinamumuhian
Monday, May 18, 2009
Kahit Bata Alam
Tuwing hapunan, madalas naming pagusapan ang iba't-ibang balita sa Pilipinas. Minsan ako ang nagsisimula ng usapan dahil ako ang mas madalas na nakikipagbalita mula sa mga kaibigan ko sa Pinas. Sa gabing ito, si Marian Rivera ang nakahain sa lamesa. Kinuwento ko sa kanita ang scandal ni Marian Rivera nang mag-perform sya sa SOP hanggang sa umabot ang usapan sa ganito:
| Mama: | uuy.. sikat na si Marian Rivera sa Pilipinas |
| Stacy: | Oo nga. Pang primetime na sya. |
| Dodong: | Diba pang hapon sya? |
| Stacy: | May show na sya sa gabi. |
| Mama: | Sya na ang reyna ng primetime |
| Peachy: | Partner nga nya si Dingdong Dantes eh. |
| Dodong: | Sorry, pero wala talaga sa itsura nya ang pang primetime. Mukha pa din syang artista ng mga pang hapon na shows. |
| Lahat: | tawa |
| Dodong: | Sino ba mga fans nya? |
Asus! Kahit bata may say Marian Rivera.
Labels:
dinner talk
Sunday, May 17, 2009
Akin Na Ketchup Ko
Uy friend,
Naguwi sina mama at papa ng 3 double cheeseburger at 3 large fries galing mcdonalds. Akalain mo! Pati ketchup tatlo din! Recession na talaga dahil ketchup tinitipid na ng mcdonalds. Dati naman ang dami nilang nilalagay sa bag. Pero ngayon nagtatnong na sila kung gusto ba ng customer ng ketchup.
Haay naku.. kung sino man ang salarin ng nagaganap na recession sa ating mundo, eto ang mensahe ko sayo:
AKIN NA KETCHUP KO!!
Umuunawa,
Peachy Rose
Thursday, May 14, 2009
Pabitin
Ito ang natutunan ko ngayong hapon:
Ang buhay ay parang pabitin. Ang mga premyo ang mga opurtunidad na dumadating sa buhay. Nasusukat sa haba ng kamay, sa taas ng talon, at galing sa pakikipagsiksikan ang husay sa pagkamit ng iyong pangarap.
- Mahabang kamay. Ito ang mga kapalaran na biyaya sa atin ng Panginoon mula ng tayo ay pinanganak. Tulad ng pagkakaroon ng mga magulang na kaya kang pagaralin sa isang magandang paaralan; isang pagkakataon upang makamit ang kaunlaran sa buhay. Kaya dapat magaral ng mabuti dahil hindi lahat ng tao nakakapag aral.
- Taas ng talon. Ito ang pagnanais na makamit ang hangarin. Ang uhaw na makuha ang minimithi. Kailangan hindi mawala sa pokus at parating nangangati na marating ang pinapangarap.
- Galing sa pakikipagsiksikan. Ito ang pagiging madiskarte sa buhay. Mahusay sa paghahanap ng paraan upang ang gusto ay makamit. Kahit na ilegal ay papatulan basta lang hindi magpapahuli. Magaling sa pagpapalusot at pag-manipulate ng tao.
Ilan laman ito sa mga bagay na dapat taglay ng isang tao upang ang makuha ang nais na kaunlaran sa buhay.
Friday, May 8, 2009
Wag mo akong takasan
Takas sa gawaing bahay:Kapag may iuutos magulang, kakaripas sa takbo papuntang kwarto ang anak, bubuklatin ang mga aklat at ilalagay sa harapan. Iiwanan ng puwang ang pinto upang makasilip ang magulang at makasiguro na nag-aaral nga ito. Syempre, ito ang gusto nilang makita kaya hindi na nila aabalahin pang bigyan ng trabaho sa bahay ang anak. Education first nga sabi nila.
Pero iba ako. Pagaaral ang tinatakasan ko. Mas nanaisin ko pa ang mag kuskos ng bath tub para maalis ang dumi. Ano na ang magiging future ko nito?
Kaya kung makikita mo akong abala sa pag lilinis ng kusina, paglalaba, paglilinis ng mga kubeta, pagvaccum at pag luto ng brownies, meron akong essay na gagawin o test na pagaaralan. :P
Ikaw, ano tinatakasan mo?
Monday, April 27, 2009
Bawas Pogi Points
Peace,
Parang summer na sa school kanina dahil madaming babae ang nakapalda o maikling porontong ang suot. Ang dami ring mga lalake na nakaporontong kanina at naglalaro ng frisbee o soccer sa may bermuda sa ilalim ng araw. Hindi ko inaasahan na magiging mainit ang panahon kanina. Nagmamadali kasi akong lumabas hindi maiwan ng bus kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng mas manipis na coat. Inisip ko na din na baka lumamig ang teperatura kaya ayos lang ang suot ko, subalit lalo pang uminit ang panahon.
Aral:
Alamin palagi ang panahon at temperatura ng susunod na araw para makapagplano ng susuotin.
Naiinggit sa mga nakapangsummer na suot,
Peachy Rose
Brownout
Peace,
Ngayong April 27, 2009, una naming naranasan ang brownout sa Canada matapos ang 2 taon kaming nanirahan dito. Kakaandar ko pa lang ng kompyuter nang biglang namatay ang kuryente. Natakot ako bigla dahil akala ko may problema ang linya ng kuryente sa bahay namin.
Bumaba galing sa kwarto ang mga kapatid kong si Stacy at Ramon a.k.a Dodong para malaman kung bakit nawala ang kuryente. Syempre hindi namin naisip na brownout iyon dahil matagal di pa kami nakakaranas ng brownout dito. Para makumpirma ang nangyare, tinawagan namin ang mga kapit-bahay (oo ,gumagana pa ang telepono). Ngunit walang sumasagot sa aming tawag kaya lumabas ang dalawa upang malaman kung pati din ba sila nawalan ng kuryente. Sila din pala ay nawalan. Kumpirmado may brownout kaya ito ang nangyari:
- Una kong ginawa ay naghanap ng kandila. Mga scented candles lang ang meron sa bahay kaya iyon ang sinindihan ko.
- Dahil wala sina mama at papa, tinawagan namin sila upang ipaalam na nag-brownout.
- Nagtipon kaming tatlo sa sala kung saan nakatirik ang mga kandila.
- Nakinig kami ng radyo habang naghihintay na dumating sina mama at papa at magbalik ang kuryente.
Ang bidyo sa baba ang maglalahad kung ano pa ang ibang kaganapan.
Nangangapa sa dilim,
Peachy Rose
P.S. Pasensya na kung kandila lang ang makikita mo sa bidyo T__T
Monday, April 20, 2009
"Grade 1 Ka Na"
Paano mo malalaman kung nag mature ka na? Paano mo malalaman kung pwede ka na magasawa? Nalalaman mo lang ba ito ng kusa o may magsasabi sa iyo? Dati kasi tumawag sa telepono si mama galing sa kanyang trabaho para sabihin "You're adult na talaga anak." Sabi nya naging responsible na daw ako. Pero sa totoo lang natawa ako dahil yun ang dahilan ng pag tawag nya, hindi nya hinintay na makauwi sa bahay para sabihin iyon sa akin ng harapan. Sa kabilang banda na antig ang aking puso sa mga sinabi ng aking mahal na ina.
Kelan naman kaya ako mag graduate nito?
Kanina sa hapunan, may bagong minungkahi si mahal na ina. Ito ang nangyari:
| Mama: | Dong, sa susunod ikaw na ang maghugas ng plato. Gayahin mo si ate kasi ngayon sya na ang gumagawa ng gawaing bahay. Grade 1 na sya sa pagaasawa. |
| Dodong: | (tuloy pa din sa pagkain at nagpapanggap na di nakikinig) |
| Mama: | (lumingon kay Peachy para sa kanya iparating ang susunod na sasabihin) Pero sa susunod pagluluto naman ang pagaralan mo para pag dating namin ng bahay may pagkain na tapos kami na ang maghuhugas. Alam mo si *Bianca sya na ang nagluluto sa kanila. Sabi ng mama nya magana daw kumain si **Lara kapag si ate Bianca nya ang nagluto. |
| Peachy: | (tuwang-tuwa dahil pwede na daw sya mag-asawa) |
| Mama: | Kaya sa sunod mag luto ka na ate ha? Masarap ka pa naman magluto. |
| Peachy: | Minsan nga lang ako magluto eh tapos fried rice lang. Binobola ako ni mama |
*Bianca kapit bahay namin na 15 yrs old
**Lara kapatid ni Bianca
Labels:
dinner talk
Friday, April 17, 2009
Usapang Boobies
Ikaw na walang hinaharap,
Kahapon, noong palabas kami ni Jen sa mall, napagusapan namin ang boobies dahil nadaanan namin ang lingerie area kung saan makikita mo ang mga naglalakihang bra na nakadisplay. Ito ang nangyare:
| Peachy: | ang laki talaga ng bra nila dito sa Canada(sabay hawak sa pagkalaking pink na bra) |
| Jen: | (ngumingisi) Ito mas malaki (sabay kawak sa lacey-yellow na bra na mas malaki pa sa nauna) |
| Peachy: | (gulat na gulat) Whoa ang laki nga! Grabe wala naman magkakasya sa akin dito. |
| Jen: | Isa lang ang solusyon dyan. Kumain ka ng fries. Proven na daw yun na lalaki yan pag kain ka ng fries. |
| Peachy: | Ay wag na. Masaya na ako dito at baka di ko kaya paano yun dalhin. |
| Jen: | Ano ibig mong sabihin? |
| Peachy: | Hindi kasi lahat kayang dalhin ung biyayang meron sila. |
| Jen: | Aaaah tulad ba nun? (sabay turo sa itim na babaeng dumaan na may full boobies). |
| Peachy: | OO parang ganyan nga. |
| Jen: | Bakit kaya ang lalaki ng boobs ng mga itim? |
| Peachy: | Oo nga. Pati rin pwet meron sila. |
| Jen: | Tingnan mo un oh . |
| (parehong tiningnan ang itim na babaeng dumaan) | |
| Jen: | Kahit bata e. |
Aking palagay:
- Hindi ko alam kung totoo nga talaga na nagpapalaki ng boobies ang fries. Pero maaari ding maipon doon ang taba mula sa fries.
- Pag punta mo dito sa Canada siguraduhin mong nagbaon ka ng madaming bra dahil mahihirapan ka lang sa paghanap ng bra na kakasya para sayo. Manliliit ka din sa mga bra na makikita mong naka display sa mga botique dahil ang bawat saluhan ng suso ay pwede nang kainan ng isang pack ng Lucky Me! instant noodles sa sobrang laki nila.
- Kapansin pansin talaga na malalaki ang hinaharap at pwet ng mga itim. Tapos karamihan sa mga Asian flat. *gulong sa kakatawa*
Makitid ang isip,
Peachy Rose
Para kay ano..
Mahal kong kaklase na palaging
may opinion sa lahat ng bagay,
Bilib talaga ako sayo dahil may 'say' ka lagi sa klase natin. Ikaw at si blondie na siguro ang may maraming na ambag na opinyon sa iba't ibang paksa na pinagaaralan natin bawat linggo. Kung ibaghahambing kayong dalawa, mas gusto kong pakinggan ang mga sinasabi mo kasi mas idealistic ang sayo kumpara kay blondie. Ngunit mukhang marami ang may lihim na poot sa iyo, maliban na lang kay Mr. Gandang Gupit na laging nakatitig sa iyo at kung may pagkakataon ay tinatabihan ka sa klase. Marahil sa dami mong sinasabi na parang ikaw lang ang kausap ng TA (teacher assistant) na di na makapagsalita ang ibang estudyante.
Kanina, kapansin pansin na karamihan sa kaklase natin ayaw sumama sa grupo nyo noong group discussion dahil iniiwasan nilang masapawan mo sila. Buti na lang di kita ka grupo kaya nasabi ko ang mga nais kong sabihin sa grupo namin.
Wag kang magalala kung kinasusuklaman ka nila dahil hindi mo naman sila kilala at pagkatapos ng semestreng ito siguradong makakalimutan ka na nila (pati rin ako).
Babaeng balik-harap,
Peachy Rose
Wednesday, April 15, 2009
Kapag lalake ang nagmenstruate
Utang na loob,
Dahil wala akong magawa kanina habang naghihintay sa SOSC class, inubos ko ang oras sa pagbabasa ng nakatakdang mga kabanata mula sa libro ni Juanne N. Clarke na Health, Illness, and Medicine in Canada. Binabasa ko noong mga oras na iyon ang kabanata tungkol sa mga pananaw ng komunidad at ng iba't ibang kultura sa illness. Ang pananaw din ng mga tao sa illness ay depende sa kasarian. Isa sa halimbawang binigay niya ay ang sitwasyon kapag lalake ang nagmenstruate. Ayon sa kanya:
- Magiging simbolo ng lakas at pagkalalake ang menstruation. Makikipag kompitensya ang mga lalake kung sino ang may mas malakas na flow, mas maraming araw, at mas matingkad na dugo.
- Maglalaan ang gobyerno ng pondo sa pagsusuri ng solusyon sa premenstrual syndrome (PMS) at cramps.
- Magkakaroon ng espesyalista para sa mestruation at sila ay susweldohan ng malaking halaga.
- Magiging libre ang sanitary napkins at tampons.
Ako ay lubhang nagulat sa mga maaring mangyare kapag lalake ang nagmenstruate. Kapansin-pansing kinikilingan ang kasarian ng mga lalake. Bakit kaya di nila gawin ito sa mga babae?
Babaeng di makabasag pinggan,
Peachy Rose
P.S. Literal na tinagalog ko talaga ang pagkakasulat sa libro teehee
Sunday, April 12, 2009
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay
Oh macopa ng aking mga mata,
Happy Easter sa iyo! Nag punta kanina ang pamilya namin sa bahay ng Rivera family para mag dinner kasama ang Guia at Dubria family (mga pinoy na kapit-bahay namin). Eto ang nangyari:
- Nakapagtataka kung bakit nagkotse pa kami papunta sa bahay nila tita Michelle. Palagi na lang ito ginagawa ni papa sa tuwing may salu-salo sa kanila kahit na 7-10 na bahay ang layo.
- Mabenta nanaman ang special pancit ni papa. Gusto mo recipe? Pasensya na di ko din alam eh. Secret daw.
- Ang daming pagkain pero ang una kong tinira ay ang hipon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi naman talaga ako mahilig sa hipon. Pero kapansin-pansin na ako ang may pinakamaraming hipon na nakain.
- Nanood kami ng P.S I Love You na pinagbibidahan ni Hillary Swank at hindi sina Sharon at Gabby.
- Sa streaming sa internet kami nanood ng pelikula kaya medyo paputol putol ito kung saan kailangan mo pang i-rewind ulit ng konti para makahabol ang pag-load ng movie. Nakakatulong din ang pag rewind na iyon dahil mas lalo naming naintindihan ang pelikula pag may nakaligtaan kaming mga linya na hindi namin narinig dahil abala sa pakikipagusap.
- Kinukumpara ng mga tito at tita ang mga artistang banyaga sa artistang Pinoy. Halimbawa:
- Hillary Swank - Melanie Marquez
- Gerard Butler - Ronnie Rickets
- Lisa Kudrow - Chanda Romero
Lubhang nakakamiss talaga ang piling ng pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas. Ngunit itong mga maliit na salu-salo kasama ang pamilyang Rivera, Dubria, at Guia ay nakakapuno ng pagkawalay sa mga naiwan sa bayang pinaggalingan.
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat.
Walang sawang nagbabalat ng hipon,
Peachy Rose
Monday, April 6, 2009
Sobrang kahihiyan
Mahal kong may magandang hinaharap,
Parang gusto kong matunaw sa upuan ko kanina sa microbiology class dahil sa sobrang lakas ng tunog ng sikmura ko. Aakalain mong may WWIII na nagaganap sa sobrang lakas. Naramdaman kong umabot ang sound waves sa dalawang tao sa kanan at dalawang tao sa kaliwa. Wag mo narin kalimutan ang 3 tao sa likod. Hindi umabot sa harapan dahil napigilan ng malakas na boses ng propesor. Buti hindi umabot sa kabilang dulo ng silid aralan ang nagsusumigaw kong tiyan na parang hindi pinakain ng ilang araw.
Ito lang ang mensahe ko sayo mahal kong tiyan:
Hindi ko kinakalimutang pakainin ka. Utang na loob, wag kang magingay habang nasa klase.
Manipis ang mukha,
Peachy Rose
Parang gusto kong matunaw sa upuan ko kanina sa microbiology class dahil sa sobrang lakas ng tunog ng sikmura ko. Aakalain mong may WWIII na nagaganap sa sobrang lakas. Naramdaman kong umabot ang sound waves sa dalawang tao sa kanan at dalawang tao sa kaliwa. Wag mo narin kalimutan ang 3 tao sa likod. Hindi umabot sa harapan dahil napigilan ng malakas na boses ng propesor. Buti hindi umabot sa kabilang dulo ng silid aralan ang nagsusumigaw kong tiyan na parang hindi pinakain ng ilang araw.
Ito lang ang mensahe ko sayo mahal kong tiyan:
Hindi ko kinakalimutang pakainin ka. Utang na loob, wag kang magingay habang nasa klase.
Manipis ang mukha,
Peachy Rose
Labels:
kahihiyan
Thursday, April 2, 2009
Magbatak tayo ng buto
Hoy takaw-tulog,
Galaw-galaw ka naman dyan kung ayaw mo manigas yang mga buto mo. Tumulad ka sa akin at ng kaibigan kong si Czarina. Kanina lang ay nagpunta kami ng gym ng unibersidad dahil nais naming lumakas ang resistensya namin at di kami hingalin sa pagakyat ng hagdan. Syempre nais din naming ibalik ang dating hugis ng amin magandang katawan dahil pareho kaming na-bondat pag dating namin ng Canada.
Iyon ang unang beses naming pumasok ng gym. Hindi namin alam kung alin sa mga kagamitan ang una naming gagamitin. Hindi rin namin alam paano gamitin o paandarin ang mga iyon. Ang una naming sinubukan ay ang treadmill sapagkat iyon lang ang hindi mukhang komplikado gamitin. Pero ng malapitan na namin ito, kami ay natulala sa dami ng pindutan. Nung una, nahiya pa kamin tanungin ang lalaking bising-bisi sa pagtakbo. Ngunit paano kami uunlad kung iiral namin ang hiya? Kaya dinistorbo na namin siya. Hinihingal pa siya nung tinuturuan nya kami kung paano patakbuhin ang treadmill.
Hindi kami nagtagal sa gym dahil may klase pa kami. Pero tuwang-tuwa talaga kami nang kami ay pagpawisan sa loob ng 2 taon ng kami ay manirahan sa Canada (oo, 2 years palang din si Czarina dito sa Canada).
Nung kami ay nasa change room upang magpapresko at magpalit ng damit, may nakakahiyang pangyayaring naganap doon. Hindi ko na ito ikukwento dahil nakakahiya talaga. Buti na lang isang estranghero lang ang nakasaksi nun.
Bukas babalik ulit kami ni Czarina. Inaasahan naming makasama sina Jen at Joanne ngunit sila ay abala sa paghahanda sa pagsusulit. Marahil sa katapusan ng mga pagsusulit namin sila makakasama.
Nagbabatak ng buto para maging seksi,
Peachy Rose
P.S. hindi naman masyadong nakakahiya ung nangyare sa change room pero medyo sensitibo sya.. hehehe
Galaw-galaw ka naman dyan kung ayaw mo manigas yang mga buto mo. Tumulad ka sa akin at ng kaibigan kong si Czarina. Kanina lang ay nagpunta kami ng gym ng unibersidad dahil nais naming lumakas ang resistensya namin at di kami hingalin sa pagakyat ng hagdan. Syempre nais din naming ibalik ang dating hugis ng amin magandang katawan dahil pareho kaming na-bondat pag dating namin ng Canada.
Iyon ang unang beses naming pumasok ng gym. Hindi namin alam kung alin sa mga kagamitan ang una naming gagamitin. Hindi rin namin alam paano gamitin o paandarin ang mga iyon. Ang una naming sinubukan ay ang treadmill sapagkat iyon lang ang hindi mukhang komplikado gamitin. Pero ng malapitan na namin ito, kami ay natulala sa dami ng pindutan. Nung una, nahiya pa kamin tanungin ang lalaking bising-bisi sa pagtakbo. Ngunit paano kami uunlad kung iiral namin ang hiya? Kaya dinistorbo na namin siya. Hinihingal pa siya nung tinuturuan nya kami kung paano patakbuhin ang treadmill.
Hindi kami nagtagal sa gym dahil may klase pa kami. Pero tuwang-tuwa talaga kami nang kami ay pagpawisan sa loob ng 2 taon ng kami ay manirahan sa Canada (oo, 2 years palang din si Czarina dito sa Canada).
Nung kami ay nasa change room upang magpapresko at magpalit ng damit, may nakakahiyang pangyayaring naganap doon. Hindi ko na ito ikukwento dahil nakakahiya talaga. Buti na lang isang estranghero lang ang nakasaksi nun.
Bukas babalik ulit kami ni Czarina. Inaasahan naming makasama sina Jen at Joanne ngunit sila ay abala sa paghahanda sa pagsusulit. Marahil sa katapusan ng mga pagsusulit namin sila makakasama.
Nagbabatak ng buto para maging seksi,
Peachy Rose
P.S. hindi naman masyadong nakakahiya ung nangyare sa change room pero medyo sensitibo sya.. hehehe
Monday, March 30, 2009
Ang Marso ko ay...
Ikaw na mabilis ang kamay,
Ngayong patapos na ang buwan ng Marso, nais kong ibahagi sa iyo ang mga pangyayaring kapansin-pansing paulit-ulit.
Para sa buwan ng Abril:
Babaeng tulak ng bibig,
Peachy Rose
Ngayong patapos na ang buwan ng Marso, nais kong ibahagi sa iyo ang mga pangyayaring kapansin-pansing paulit-ulit.
- Hello Sugat! Noong mga unang linggo ng buwan ng Marso, halos araw-araw na lang ako nasusugatan sa dila, tuhod, at paa. Karaniwan ay sa kanang kamay mula sa pagbubukas ng mga karton. Ngunit hindi galing sa gunting o cutter na ginamit pang bukas ng karton ang hiwa. Nanggaling ito mismo sa matatalas na gilid ng karton.
- Friday I'm In Love. Parang nananadya ang mp3 ko pag gising ko sa umaga dahil Friday I'm In Love ng The Cure ang parating pambungad na awitin sa akin.
- Matamis-diabetes. Paborito kong inumin ang french vanilla. Araw-araw akong bumibili nito sa campus namin at may kasama pang cookies o muffin. Pag dating ng bahay, ang ice cream naman sa freezer ang tinitira ko. Pero pansamantala ko munang tinigil ang hilig ko dahil sobra na.
- Sunog. Ilang beses ko nang nasunog ang niluto ko dahil nakakalimutan kong patayin ang stove. Minsan nawawala na ang pinapakuluan kong tubig. Buti napapansin ko agad bago maabo ang bahay namin.
- Wala sa sarili? Tulad ng iba, hinahanda ko pag gabi ang byahe ko kinabukasan. Inaalam ko kung anong oras darating ang bus at anong oras ako dapat gumising. Ngunit sa hindi malamang dahilan maaaring maaga o huli ako ng isang oras sa mga una kong klase. Marahil namamali ako ng tingin sa oras. Minsan, sobra akong nagmamadali maghandang pumasok at tumatakbo papunta sa bus pero yun nakaalis na ang bus at isang oras pa akong maghihintay sa susunod. O kaya naman ay dadating ako sa klase na walang katao-tao dahil maaga ako ng dating.
Para sa buwan ng Abril:
- Ilalayo ko na ang sarili ko sa mga KARTON.
- Ipagpapatuloy ko ang pagiwas sa matatamis kahit na may tatlong tub ng sorbetes sa freezer ngayon.
- Kailangan kong magingat sa niluluto ko. Hanggat maaari hindi ako magluluto.
- Aayusin ko na buhay ko!!
- Wala na akong magagawa sa kantang yan.
Babaeng tulak ng bibig,
Peachy Rose
Labels:
random
Sunday, March 29, 2009
Walang Tawiran Nakamamatay
Samaing palad,
Sa tingin mo, saan mas delikadong tumawid: sa Canada o sa Pilipinas? Noong papunta kami ng Walmart, may nakita kaming tatlong tao na tumatawid sa Mavis Rd. kahit hindi pa go ang stoplight. Mukhang ligtas naman ang tumawid dahil walang sasakyang dumadaan. Matagal lang kasi magpalit ang stoplight sa lugar na yun kaya karamihan ay tumatawid na bago pa magsabi ang stoplight na maari mo nang tawirin ang daan (at isa na ako doon).
Nang makita iyon ni papa, pinaalalahanan nya kaming wag gayahin ang mga taong iyon. Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na araw-araw ako noong, nasa Pinas pa ako, nakikipag-patintero sa mga sasakyan sa Edsa.
Ayon sa walkinginfo.org, ang mga sumusunod ay ang batayan ng ligtas na pangtawiran:
Namumuti ang mata,
Peachy Rose
P.S. niliteral ko talaga ang pagtagalog dun sa sinabi ng walkinginfo.org lol
Sa tingin mo, saan mas delikadong tumawid: sa Canada o sa Pilipinas? Noong papunta kami ng Walmart, may nakita kaming tatlong tao na tumatawid sa Mavis Rd. kahit hindi pa go ang stoplight. Mukhang ligtas naman ang tumawid dahil walang sasakyang dumadaan. Matagal lang kasi magpalit ang stoplight sa lugar na yun kaya karamihan ay tumatawid na bago pa magsabi ang stoplight na maari mo nang tawirin ang daan (at isa na ako doon).Nang makita iyon ni papa, pinaalalahanan nya kaming wag gayahin ang mga taong iyon. Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na araw-araw ako noong, nasa Pinas pa ako, nakikipag-patintero sa mga sasakyan sa Edsa.
Ayon sa walkinginfo.org, ang mga sumusunod ay ang batayan ng ligtas na pangtawiran:
- kakaunting daan
- may stop bar sa daan upang malaman ng mga motorista kung saan titigil at makapagbigay ng daan na tatawiran ng tao
- may maliit na isla sa gitna ng daan upang mahati ang tawiran sa dalawa
- sapat ang ilaw sa stoplight
Namumuti ang mata,
Peachy Rose
P.S. niliteral ko talaga ang pagtagalog dun sa sinabi ng walkinginfo.org lol
Labels:
papa,
walang tawiran nakamamatay
Hanger
Bb. Balitang-kutsero,
Natutunan ko sa Health Studies class na maraming ospital sa rural areas ang nagsasara dahil sa kakulangan sa tauhan. Kaunti lamang ang doktor at nars na nais magtrabaho sa malalayong bayan. Bakit nangyayari ang ganitong bagay?
Nakakabigo naman talaga ang magtrabaho sa isang lugar na may maraming kakulangan. Hindi mo maibigay ang serbisyong nais mo dahil kapos sa gamit. Tulad na lang pagkatapos kong maglaba, tutupiin ko ang mga damit at ilalagay sa aparador. Maliban sa mga damit pangopisina nila mama at papa na kailangan isabit sa hanger dahil karamihan sa sabitan ng damit ay sira*. Hindi ko tuloy magawa ng maayos ang simple kong trabaho. Buti na lang namili ng matitibay na pansabit ng damit ang mga magulang ko kamakailan lang at di na sila pumapasok na gusot ang damit.
Paano pa kaya ang mga doktor at nars na nagtatrabaho sa isang ospital na kulang sa beds at mga modernong kagamitan?
Lingo-lingong naglalaba,
Peachy Rose
P.S. May koneksyon ba ang kwentong hanger sa problema sa ospital?
*madali masira mga hanger dito sa Canada. Mas mabuti pa ang hanger na galing sa Baclaran at Divisoria.. teehee
Natutunan ko sa Health Studies class na maraming ospital sa rural areas ang nagsasara dahil sa kakulangan sa tauhan. Kaunti lamang ang doktor at nars na nais magtrabaho sa malalayong bayan. Bakit nangyayari ang ganitong bagay?
- Dahil sa kulang sa tao, hindi sila maaaring lumiban sa kanilang trabaho. Walang maaring ipalit kapag sila ay wala.
- Dahil kulang sa kagamitan ang mga ospital doon.
Nakakabigo naman talaga ang magtrabaho sa isang lugar na may maraming kakulangan. Hindi mo maibigay ang serbisyong nais mo dahil kapos sa gamit. Tulad na lang pagkatapos kong maglaba, tutupiin ko ang mga damit at ilalagay sa aparador. Maliban sa mga damit pangopisina nila mama at papa na kailangan isabit sa hanger dahil karamihan sa sabitan ng damit ay sira*. Hindi ko tuloy magawa ng maayos ang simple kong trabaho. Buti na lang namili ng matitibay na pansabit ng damit ang mga magulang ko kamakailan lang at di na sila pumapasok na gusot ang damit.
Paano pa kaya ang mga doktor at nars na nagtatrabaho sa isang ospital na kulang sa beds at mga modernong kagamitan?
Lingo-lingong naglalaba,
Peachy Rose
P.S. May koneksyon ba ang kwentong hanger sa problema sa ospital?
*madali masira mga hanger dito sa Canada. Mas mabuti pa ang hanger na galing sa Baclaran at Divisoria.. teehee
Thursday, March 26, 2009
Nakalusot
Utak-biya,
Gusto ko maging katulad nila mama at papa. Maraming tao ang nirerespeto sila kahit na sila ay ordinayong tao lang. Pinagtitiwalaan at pinakikinggan ang mga sinasabi nila. Parang pinanganak na silang tama lahat ng lumalabas sa bibig nila. Pero nalaman ko kanina lang na nagkakamali din pala sila.
Eto ang halimbawa:
Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap sa opisina na pinagtatrabahuan ni mama. Isang umaga habang hindi pa marami ang ginagawa sa trabaho, nagusap sina mama at ang kanyang kaopisina. Pinapakita ng ka-opisina ni mama ang mga litrato nya noong sya ay medyo bata-bata pa.
Mama: Wow! Ikaw to? ang ganda mo naman. Alam mo? Telegenic ka. (seryosong sinabi)
(katahimikan)
Ka-opisina: Oo. Photogenic talaga ako. (seryosong sumagot)
Mama: (kindat-kindat at napaisip na mali ang nasabi noong una) Oo. Photogenic ka din. Pwede ka na mag model.
Aral:
- Kapag magsasalita ka dapat mukhang palaging may alam.
- Kapag nagkamali.. magpalusot.
- Wag magpalinlang sa mga taong mukhang may maraming alam. Magaling lang talaga sila magpalusot.
Palaging naguunawa,
Peachy Rose
P.S. Talagang matatalinong tao ang mga magulang ko. High acheivers silang dalawa. Siguro naman naipasa nila sa akin ang mga katangian na yan?
Labels:
dinner talk,
mama
Sunday, March 22, 2009
Paano humingi ng pang-kape
Utang na loob,
Kaninang umaga, dalawang beses kami hinatid ni papa sa simbahan dahil 6 kami (pang-anim ang bisita) at pang 5-seater lang ang sasakyan. Iminungkahi ni papa na sumakay ng bus ang kapatid kong si Stacy upang hindi na masayang ang oras sa pagbalik sa simbahan upang sunduin ang maiiwan.
Kapansin-pansin na nakasimangot ang mukha ni Stacy sa buong byahe papuntang simbahan. Kaya nakiusap si mama na ako ang mag bus sa halip na si Stacy. Ako naman ay agad-agad na sumang ayon at pabirong humingi ng pang-kape. Agad din naman akong tinanggihan ng aking ina.
Noong natapos ang misa, ipinaalam nila sa akin na sila ay dadaan muna sa pagupitan dahil magpapagupit ang bunso kong kapatid na si Dodong. Iminungkahi ko kay mama na nais ko ding sumama at magpagupit. Ito ang ikalawang beses na ako ay kanyang tinanggihan. Ngunit, upang hindi sumama ang aking loob, inabot nya sa akin ang kanyang pitaka at hinayaan nya akong kumuha ng kahit magkano para pang-kape.
Aral:
- Kapag ikaw ay tinanggihan ng magulang mo sa una mong hiniling, humiling ka ulit na mas malaki ang halaga sa na una.
- Kapag ikaw ay hihiling, dapat ikaw ay nasa kaawa-awang sitwasyon upang lumambot ang kanilang puso para ibigay sayo ang gusto mo.
- Kapag may gusto kang hingin, sa ama lumapit at wag sa ina.
Nagmamalasakit,
Peachy Rose
Labels:
payong kaibigan
Friday, March 20, 2009
Mga Bagay Na Kinamumuhian
Maraming bagay sa mundo ang ayaw ko ngunit tong tatlo pa lang ang nasa isip kong ipamahagi ngayon.
- Tumutunog ang tiyan habang nasa klase o kumukuha ng pagsusulit. Nakakahiya kapag naririnig ng katabi ang tyan na nagrerebolusyon. Mawawala ang konsentrasyon sa pagsusulit dahil iniisip ang sobrang kahihiyan. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, kailangan kumain bago pumasok sa klase at mag dala ng makuot-kuot*
- Mga taong nagmamadali na nakasunod sa iyong likod habang naglalakad. Napipilitan ka din na magmadali dahil ayaw mo maabala ang tao sa likod mo. Bakit hindi na lang sila mauna para lahat masaya?
- Mga taong nasa harap mong mabagal maglakad. Nakakaasar ito lalo na sa mga lugar na dalawang tao lang ang kasya sa daan at ikaw ay nagmamadali sa pupuntahan mo. HUUWAG ANGKININ ANG BUONG DAAN MGA KAIBIGAN!
*makuot-kuot - snacks
Labels:
kinamumuhian
Marso Biak
Oh bungang-araw,
Kapansin-pansin sa linggong ito na dinagsa ang aking unibersidad ng mga kabataan mula sa preschool at gradeschool. Makikita mo sila kahit saan ka pa lumingon. Kahit na sa loob ng klase. OO! Sila ay kasama mong nakaupo at nakikinig sa propesor na nagtuturo. Hindi ito dahil sila ay may field trip, sa halip sila ay may March Break.
Ang March Break ay isang linggong pahinga mula sa pagaaral. Maaaring mamasyal ang mga bata sa zoo o museum, o mamalagi sa bahay at maglaro ng Xbox, PS2 o 3, Wii, at kung anu ano pang pwedeng libangan. Ngunit, hindi maaring iwan magisa ang batang edad 11 pababa. Kaya dinadala ng mga estudyante sa unibersidad na may anak ang kanilang mga supling. Nais ko rin sanang isama ang aking kapatid na si Ramon Dominic a.k.a Dodong, subalit walang magandang iskedyul.
Masasabi kong parang araw-araw ay Family Day sa aming paaralan.
EKS-O-EKS-O,
Peachy Rose
Labels:
March Break
Thursday, March 19, 2009
Paunang Lagay
Maligayang pagbati,
Bilang paunang lagay sa blog na nilikha ko noong nakaraang 3 buwan, nais kong ipahayag ang aking galak na ipamahagi sa madla ng "World Wide Web" ang nilalaman ng aking isipan. Magsisilbi rin itong talaan ng mga pangyayari sa aking simpleng buhay. Gagamitin ko ang mga wikang Ingles, Tagalog, at Bisaya depende kung ano ang na aayon sa aking kagustuhan.
Sa susunod nating pagkikita,
Peachy Rose *3*
Bilang paunang lagay sa blog na nilikha ko noong nakaraang 3 buwan, nais kong ipahayag ang aking galak na ipamahagi sa madla ng "World Wide Web" ang nilalaman ng aking isipan. Magsisilbi rin itong talaan ng mga pangyayari sa aking simpleng buhay. Gagamitin ko ang mga wikang Ingles, Tagalog, at Bisaya depende kung ano ang na aayon sa aking kagustuhan.
Sa susunod nating pagkikita,
Peachy Rose *3*
Labels:
unang lagay
Subscribe to:
Comments (Atom)
